Advertisers
HINILING ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na isaalang-alang nang mabuti ang kapakanan ng publiko at itaguyod ang integridad ng gaming industry.
Mensahe ito ni Gatchalian, bilang pakikiisa sa paghikayat ng senado sa PAGCOR na suspindehin muna ang lisensya ng mga operator ng e-sabong hangga’t hindi nareresolba ang kaso ng 34 na sabungerong nawawala.
Paliwanag ni Gatchalian, buhay ng mga kababayan natin ang isinasaalang-alang ng senado sa pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong.
Para kay Gatchalian, ang pagsuspinde sa operasyon ng e-sabong ay isang maagap na diskarte para mapigilan ang mga bagong kaso ng pagdukot at pagkawala ng mga indibidwal na sangkot sa online sabong.
Diin ni Gatchalian, lubos na nakakabahala na nawalang parang bula at walang bakas ng kinaroroonan ang 34 na sabungero.
P3-BILYON ANG KITA KADA BUWAN SA ‘E-SABONG’ NI ATONG ANG
Samantala nasa ?3 bilyon ang gross revenue o kita kada buwan ng kompanyang Lucky 8 Star Quest na pagmamay-ari ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Sinabi ito ni Ang sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ukol sa pagkawala ng 34 na sabungero na konektado sa e-sabong.
Ayon kay Ang, nasa ?1 billion hanggang ?2 billion ang taya sa e-sabong sa Lucky 8 Star Quest o humigit kumulang ay ?60 bilyon kada buwan.
Mula sa nasabing halaga ay 5% ang kaniyang komisyon o 100 million kada araw o ?3 bilyon kada buwan.
Binanggit ni Ang na ang kalahati ay mapupunta sa master agents kaya 1.5 billion ang matitira kung saan ibabawas ang mga gastusin kaya nasa 800 o 900 million na lang ang kita nya sa isang buwan.
P640 million naman kada buwan ang nalilikom ng PAGCOR mula sa Lucky 8 Star Quest na para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay payat o maliit.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.