Advertisers

Advertisers

Greta at Tony Boy umabot na ng 28 years ang relasyon kahit tadtad ng intriga

0 381

Advertisers

Ni MELCHOR BAUTISTA

UMABOT na ng eksaktong 28 taon ang pagsasama ng magkarelasyong sina Gretchen Barretto at ng sikat na businessman na si Tony Boy Cojuangco. Ito ay sa kabila ng maraming pang-iintriga sa kanilang pagmamahalan.
Hindi nagpapakaperpekto sina Gretchen at Tony Boy kung ano ang sekreto ng nagtatagal nilang relasyon. Nabiyayaan ng isang anak ang kanilang pagsasama, si Dominique Cojuangco na kinalakihan ang masayang pagsasama ng kanyang mommy’t daddy na puno ng respeto at pagmamahal sa bawat isa.
Napakasuwerte ni Gretchen sa pagmamahal ni Tony Boy, dahil ipinaglalaban nito ang kanilang relasyon. Malaki ang pasasalamat ng mayamang negosyante, dahil sa panahon na mayroon siyang karamdaman at sa isyu na rin ng malaking agwat ng kanilang edad ay nasa kanyang tabi at hindi siya iniwan ng karelasyong napakaganda pa ring aktres.
***
MAGALING na kontrabida si Isabel Rivas, at nararanasan na rin niya na irap-irapan ng mga tao sa kalye at Mall, na mga affected sa epektibo niyang pag-arte bilang malupit na kontrabida.
Pero friendly siya sa totoong buhay, kaya maraming kaibigan ang nagtatanggol sa kanya.
“Nakakatakot din siyempre kung minsan. Baka sa inis ay saktan ka. Pero bilang artista, maiisip mo rin na nagampanan mo palang maayos ‘yung role dahil napansin ng mga tao,” wika ni Isabel.
Masuwerte financially sa totoong buhay si Isabel. Manugang niya ang dating Kapuso star na si Nadine Samonte. Natawa ang magaling na kontrabida ng teleseryeng “First Lady” ng GMA-7 sa biro, kung hindi ba natatakot si Nadine sa kanya bilang biyenan nito?
“Walang ganu’ng sitwasyon,” sey ni Isabel. “Sobrang okey kami ni Nadine. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya na binigyan niya ako ng tatlong apo na nagpapasaya sa akin ngayon. Tsaka friends naman kami ni Nadine dati pa, bago pa siya niligawan ng anak ko, at naging wife. Masaya kami.”
***
KUNG nagpatuloy ang planong pamamahinga sa pulitika noon ay ang showbiz pa rin ang trabahong malapit sa puso ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na gusto niyang balikan. Lalo pa’t sa showbiz naman talaga siya nanggaling bago naging pulitiko.
Sa katunayan, bago nangyari ang pagdating ng pandemya ay nakikipag-usap na silang magkakapatid nina Hero at Harlene sa batikang manunulat sa pelikula na si Maestro Ricky Lee.
“‘Yung tipong kailangan nating magdagdag pa ng kaalaman sa seryosong pagbibigay ng sarili mo at panahon sa movie industry,” wika ni HB.
Para sa tumatakbong Senador ngayon, hindi na mawawala sa sistema niya ang showbiz. “Tahanan din kasi namin ang showbiz. Ang tatay ko (Herminio Bautista), dating movie director, si Hero, nag-aartista pa rin. Si Harlene, nag-aartista pa rin at nagpo-produce ng mga pelikula. Itong showbiz, narito kasi ang mga nauna naming mga kaibigan at mga kakilala na parang pamilya na rin namin.”