Katuwang ang Viva Films…Sarah at Matteo magbubukas ng production; Nadine tutol sa pagpapagawa ng tulay sa Siargao
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post sa IG nina Matteo Guidicelli at esmi na si Sarah Geronimo sa isang bundok ay napagkamalang buntis ang Pop Princess.
Kaya naman nagpaliwanag si Matteo sa nagkalat na ipinakita na raw ni Sarah ang kanyang baby bump.
Itinanggi naman ni Matteo na preggy ang misis na si Sarah at hindi nga raw babay bump ang nakita ng mga netizen sa socmed ng celebrity couple. At paglilinaw ni Matteo na hinangin or hangin nga lang daw ‘yun at hindi preggy ang kanyang misis.
Busy si Sarah ngayon sa pagbe-bake at pinatunayan ni Matteo na masarap ang mga bine bake ng kanyang misis na siya ngayong pinagkakaabalahan nito at dagdag pa ang pagtatayo nila ng production with collaboration with Viva.
Soon nga raw ay malapit na itong buksan at ang isyung nagkalat sa socmed na buntis si Sarah ay itinanggi ni Matteo.
Ipinagdiwang naman nina Sarah at Matteo ang 2nd Anniversary nila bilang husband and wife nito lang nakaraang Pebrero.
***
SA post ni Nadine Lustre sa kanyang socmed account ay inihayag nito ang pagtutol sa pagpapatayo ng tulay sa Isla ng Siargao.
Ayon sa aktres, masisira lang daw ang lugar at mawawala ang pagiging natural ng nasabing Isla.
Mababait ang mga tao roon dagdag pa na masisira talaga ang ganda ng Isla.
Samantala, di pa nga raw masyadong nakakabangon ang Siargao sa nagdaan bagyong Odette.
Malaki nga raw ang gagastusin ng DPWH sa Union-Malinao bridge sa Siargao.
Nasa mahigit na P144 Milyon ang magagastos para magkaroon ng tulay sa Siargao.
Eh bakit daw di na lang daw itulong sa mga biktima ng Odette ang halaga na hanggang ngayon ay di pa nakakabangon.
Baka nga raw matuwa pa ang taga-Siargao na maaabutan ng tulong.
Well, wish naman na mapakinggan ang pagtutol ni Nadine sa pagpapagawa ng tulay sa Isla. Well, well, well…
‘,Yun na!