Advertisers

Advertisers

Mahigit sa 24,000 katao na ang nabiyayaan ng Pangkabuhayan QC program – Belmonte

0 664

Advertisers

MAHIGIT sa 24,000 residente na ng Quezon City ang nabiyayaan na ng Pangkabuhayang QC program, ang naiulat ni Mayor Joy Belmonte nitong weekend.

“As of March 6, 2022, the total number of beneficiaries who have received assistance is 24,497,” ang pahayag ni Belmonte na idinagdag pa, na sa nasabing bilang 4,828 ay bibigyan ng financial assistance sa darating na March 8 hanggang 13.

Paliwanag ni Belmonte, ang Pangkabuhayan QC program ay pinangangasiwaan ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) na siyang sumusuri sa mga nais mapabilang sa programa, lalo na ang mga naapektuhan ang kabuhayan ng dahil sa pandemiyang dulot ng Covid-19 virus.



Kabilang sa prayoridad ng programa ang mga nawalan ng trabaho, tulad ng mga micro-entrepreneur, Overseas Filipino Workers (OFW), unemployed solo parents, at mga persons with disability o mga PWD.

Sinabi ni Belmonte na noon pang Nobyembre ng nakaraang taon ay nagsimula nang magbigay ang SBCDPO sa mga residenteng naaprubahan na ang mga aplikasyon.

Dagdag pa ni Belmonte, ang halaga ng financial assistance ay nagmumula sa halagang P10,000 hanggang P20,000 bilang panimulang puhunan ng mga beneficiaries, upang makaahon sa kahirapang naranasan dahil sa pandemiya.

“Depende ito sa kanilang isinumiteng business proposal,” ang paliwanag pa ng Mayora.

Aniya, ang kabuuang halaga, na naipamahagi ng kanyang lokal na pamahalaan ay umabot na sa P254,735,000.



Sinikap din ng SBCDPO na makatuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagrerehistro ng mga negosyo ng mga beneficiaries. San Miguel Corporation at Cebuana Lhuiller naman para sa business insurances at ang GCash para sa online at contactless banking o pagbabayad.

Samantala, inanunsiyo na rin ni Belmonte na 3,600 kababaihan naman ang tatanggap pa ng “Tindahan ni Ate Joy” ngayong buwan ng Marso.

Sampung libong (P10,000) halaga ng mga paninda ang ibibigay sa mga benepisyaryo ng programang ito.