‘Pag nagwaging alkalde… Cong. Mike Defensor itutuloy ang naudlot na plano ni Kuya Germs na gawing City of Stars ang QC
Advertisers
MULING humarap sa ilang entertainment press si Cong. Mike Defensor nitong nakaraang Huwebes, March 3 sa New Music Box sa Timog, QC.
Sa pagkakataong ito ay kasama ni Cong. Mike si 2nd District Cong. Precious Hipolito-Castelo para makapanayam din ng press.
Muling pinaalala ni Defensor ang kanyang mga plano sakaling mahalal na alkalde ng Quezon City sa darating na eleksyon sa Mayo, 2022.
Dahil ang mga kasalamuha n Cong. Mike ay entertainment press kaya nabanggit niya na itutuloy ang naudlot na balak ng namayapang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno na gawing City of Stars ang QC.
Sabagay nga, ilang TV networks ang nakatayo sa nasabing lungsod bukod pa sa maraming artista ang naninirahan dito kaya desidido si Cong. Defensor na ipagpatuloy ito sa tulong na rin daw ng mga kapatid sa showbiz media.
Hangarin din ng aspiring mayor na makapagpatayo ng museum, magpailaw ng mga major and inner streets sa siyudad, magbigay ng benepisyo sa mga estudyante at senior citizens, lalo na ang pangkabuhayan ng mga residente ng lungsod-Quezon at iba pa.
Sinabi rin ni Cong. Defensor na itatalaga niya si Congw. Precious sa ilang proyekto niya lalo na sa may kinalaman sa showbiz na nakalakihan nito.
Naniniwala ang tumatakbong mayor na sa tulong na rin ng kanyang running mate sa pagka-vice mayor na si Coun.Winnie Castelo ay mapapaganda nila ulit ang QC na itinuturing na pinakamalaking siyudad sa NCR.
Kung matatandaan ay nagsimula si Cong. Mike sa mababang posisyon sa gobyerno. Naging kinatawan siya ng ikatlong distrito ng QC na nanilbihan bilang konsehal sa loob ng isang termino bago nagserbisyo bilang kinatawan ng AnaKalusugan partylist.
Miyembro rin siya ng sikat na “Spice Boys” of the 11th Congress at naging pinakabatang Cabinet member bilang Secretary of Housing.
Si Cong. Mike ay naging Secretary ng Dept. of Environment and Natural Resources at naging Chief of Staff ng Office of the President nung nanunungkulan pa bilang pangulo ng bansa si Gloria Macapagal-Arroyo. (BKC)