Advertisers

Advertisers

Sara sa bansa, Alex sa Maynila wala nang iba!

0 426

Advertisers

Even the weak become strong when they are united -Friedrich von Schiler

NAGKULAY berde ang Lungsod ng Maynila sa pagdaong ni Vice Presidential candidate Sara Duterte nitong Sabado, Marso 5.

Tama mga katoto, berde at hindi asul ang kulay sa Maynila na bumalot dito, lalo sa Quiapo area ang balwarte ng mga kapatid natin Muslim.



Kaya sino maysabi solid Yorme ang Maynila?

***

MALINAW na nakuha na nina Manila Mayoral candidate kuya Atty. Alex Lopez at Vice Presidential candidate Sara ang buong suporta ng libo-libo natin kapatid na muslim sa Quiapo, Maynila.

Hindi mahulugan karayom ang Muslim community nang personal silang dalawin ni Inday Sara sa golden mosque nitong Sabado.

Sigaw nila Sara-Alex wala ng iba sa Maynila!



***

TALAGA naman hindi binigo ni Inday Sara ang mga kapatid natin Muslim kahit sa mga pa-selfie picture. Down to earth si Inday sa mga ganitong eksena lalo na’t bihiira sya makapunta ng Maynila.

Suportado ni Inday Sara ang kandidatura ni Atty. Alex maging ang kanyang ka-tandem na si Vice Mayoral candidate Raymond Bagatsing.

Kaya napakanta na sila ng: Inday ng buhay ko!

***

SA pagdalaw ni Inday Sara sa Maynila, ipinapakita lamang ang lakas ng kamandag ni Kuya Alex sa Manileno at ma-deliver ang buong suporta sa tambalang BBM-Sara sa Maynila.

Samantala, kailangan din ang makataong pagbabago sa Maynila. kailangan ang isang mahusay na financial manager, builder sa Lungsod.

At si Kuya Alex kailangan ngayon!

***

MULI, nagpapasalamat si Kuya Alex sa mga kapatid natin Muslim sa Maynila sa mainit na pagtangap kay Inday Sara.

Asahan nyo, malaki ang maitutulong ni Kuya Alex sa hanay na mga kapatid natin Muslim sa Maynila.

As-Salaam Alaikum!

DADDY B INISNAB SA CAMPAIGN SORTIES
NI LEN-LEN SA SAMPALOC

NAKU, totoo ba na hindi daw pinaakyat sa stage si “Daddy B” sa naganap na campaign sortie ni VP Leni dyan sa Balic-Balic Sampaloc?

Si Daddy B ay kandidato na nagpupumilit magpa-ampon kung kani-kanino para manalo bilang Alkalde ng Maynila.

Pero bigo si Daddy B sa endorsement ni Len-len!

***

HIRAP na nga si Daddy B na makakuha ng suporta o alyansa mula sa iba’t-ibang political parties kaya naman lumang pictures na lang ang ipinangangalandakan nito gaya ng pictures nila ni Pangulo Duterte na kuha noong 2016 pa!

Walang ka-tandem na Bise, walang mga konsehal na line-up, deperado na talaga si Daddy B na kapalan ang mukha magpakita sa Sampaloc.

Kase ba naman last hurrah na nya ito sa politika!

***

SA nangyari, napahiya si Daddy B na nasaksihan ng marami dumalong Manileno nang tanggihan siya paakyatin sa entablado ng kampo ni Len-len.

Kilala si Daddy B na papalit-palit at palipat-lipat kung saan may ganansya politiko at makikinabang doon ito papanig.

Da who si Daddy B? sIya ang founder ng KABAKAS!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)