Advertisers

Advertisers

Utos ni Duterte na buksan ang BNPP, tila sampal sa gobyernong Cory Aquino

0 420

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Marcos 16:17, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

GOBYERNONG CORY AQUINO, TILA BA SINAMPAL NG MALAKAS SA UTOS NG GOBYERNONG DUTERTE NA BUKSAN AT GAMITIN NA ANG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT: Isang napakalakas na sampal, kumbaga, ang dumapo sa mukha ng administrasyong Cory Aquino at ng mga kaalyado nitong naging mga pangulo ng bansa matapos ang kanilang pang-aagaw ng kapangyarihan noong 1986.



Ito ay sa pamamagitan ng utos na nilagdaan ng Pangulong Duterte ngayong Huwebes, ika 03 ng Marso 2022, na nagbibigay ng pahintulot sa gobyerno na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant, isang pilot energy program ng dating Pangulong Marcos upang tugunin ang malalang problema sa kawalan ng kuryente at mataas na singilin sa mga costumers.

Ipinagbawal ng dating Pangulong Cory Aquino ang paggamit ng Bataan Nuclear Power Plant matapos siyang maluklok sa Malacanang sa tulong mga nagsabwatang opisyales ng Estados Unidos at mga Pilipinong gutom din sa kapangyarihan noong panahong iyon.

Ang desisyon ni Cory Aquino laban sa Bataan Nuclear Power Plant ay naging dahilan ng madalas na malawakang brown-outs noong kaniyang panahon bilang presidente, na nagbunga naman ng mahirap na buhay para sa higit na nakararaming mga Pilipino.

Ang utos ng Pangulong Duterte ay pinirmahan niya noong Pebrero 28, 2022, pero isinapubliko ngayon lamang umaga ng Marso 03, 2022. Ayon sa utos, ang pagbubukas ng nuclear power plant sa Morong ay paghahanda na din ng Pilipinas dahil aalisin na ng bansa ang paggamit ng mga tinatawag na coal-fired power plants, o yung mga planta na gumagawa ng kuryente mula sa mga sinunog na kahoy, o mga uling.

***



BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, HINDI IPINAGAMIT SA SAMBAYANANG PILIPINO NG GOBYERNONG CORY AQUINO KAYA’T LAGING MALAWAKANG BROWN-OUTS ANG NARANASAN NG BANSA NOONG 1986: Inaasahan ng pamahalaan at ng sektor ng mga nagnenegosyo at paggawa na magiging malaking tulong ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant sa sektor ng enerhiya, na lagi na lamang tinatamaan ng mga regular na pagkawala ng kuryente, at mahal na singilin sa mga gumagamit ng kuryente.

Bagamat inaasahan ang mga pagtutol ng mga kaaway o kritiko ng gobyernong Duterte sa bagong utos na ito ng Pangulo, lilitaw na walang kuwenta naman ang nasabing mga pagtutol dahil wala namang ipinapanukalang remedyo ang mga kalaban at kritiko sa kawalan ng matibay na power supply sa Pilipinas at sa di-mapigilang pagtaas ng singilin sa kuryente, na dahilan din ng mataas na presyo ng mga batayang bilihin.

Ipinupunto din ng mga nagmamasid sa Malacanang na wala namang talagang sapat na dahilan ang gobyernong Cory Aquino noong 1986, at maging ang mga gobyernong humalili sa kaniya na pinamunuan ng kaniyang mga kaalyado, upang isara ang nuclear power plant.

Lumilitaw, sa maraming mga pagpapahayag ng mga nag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, partikular doon sa mga nag-aaral sa energy sector ng bansa, na masamang pulitika, at mapaghiganting kalooban lamang, ang naging tuntungan ng gobyernong Cory Aquino sa pasya niya noon na huwag ituloy ang power plant.

Sinasabi din na sa labis na galit ng Cory administration noong mga panahon yun kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, mas minabuti pa ng kaniyang gobyerno noon na huwag gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant bagamat alam nilang makakatulong ito sa paglaban sa mga brownouts noong siya ang namumuno, upang diumano ay sa Pangulong Marcos magagalit ang sambayanan.

Sa utos ni Duterte noong Pebrero 28, pinabulaanan nito ang lahat ang mga pahayag ng gobyernong Cory Aquino noon na delikado para sa bayan ang paggamit ng nuclear power plant. Sa halip, ipinagutos ng Pangulong Duterte ang puspusang paggamit ng nuclear power sa bansa, at pangangasiwaan ito sa ngayon ng inter-agency panel na kaniyang itinatag noon pang 2020.

***

MGA MAUUNLAD NA BANSA NA GUMAGAMIT NG NUCLEAR POWER PLANTS, WALA NAMANG NAGANAP NA SAKUNA SA KANILANG MGA NASASAKUPAN: “The national government commits to the introduction of nuclear power energy into the state’s energy mix for power generation,” dagdag din ng utos ng Pangulo. Samantala, sumang-ayon naman si Energy Secretary Alfonso Cusi sa paggamit ng nuclear power sa Pilipinas.

Sa pananaw ni Cusi, ang nuclear power plant ang magiging mabisang tugon ng gobyerno sa magkakambal na problema ng mabuway na supply ngkuryente at mataas na presyo ng kuryente. Si Cusi ay kilala sa pagiging “passionate advocate” sa paggamit ng nuclear power at sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant.

Sabi ni Cusi, marapat lamang isaalang-alang ng bansa ang karanasan ng ibang mga mauunlad na bansa na matagal ng gumagamit ng nuclear power. Sa kasaysayan ng mga bansang ito, wala namang pinsalang idinulot ang paggamit ng nuclear power ng kanilang mga mamamayan, at, sa halip, nakatulong pa ito ng malaki sa pagpapaganda ng buhay ng kanilang nasasakupan.

Ang nakaraang mga pagsisikap na gumamit na ang Pilipinas ng nuclear power, at buksan ng lubusan ang Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, ay napipigilan ng naunang pagtutol laban dito ng gobyernong Cory Aquino. Mula noong 2009, binuksan ang BNPP bilang isang tourist attraction, upang makalikom ito ng sapat na pondo para sa pagme-mentini nito.

Magkaganunman, dahil sa pagtutol ng gobyernong Cory Aquino sa paggamit nito, patuloy na nagbabayad ang Pilipinas ng kaniyang pagkaka-utang noong itayo ito, bagamat walang kinikita ang bans ani isang sentimo dahil nga ito ay sarado.

***

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com (Kakampi Mo Ang Batas), Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network.