Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAY bagong TV show si Aga Muhlach sa Net 25, ang Bida Kayo Kay Aga na mapapanood na simula March 26, Sabado, 7 p.m., pagkatapos ng Responde.
Isa itong feel-good reality show na ang mga itatampok ay magagandang gawain ng mga ordinaryong tao na nakapagbibigay ng good vibes sa mga manonood.
Sa ginanap na virtual mediacon para sa bagong show ng aktor, nasabi ni Aga na tinanggap niya ang show dahil hindi pa siya nakagagawa ng ganitong klase ng programa, simula nang pasukin niya ang showbiz.
Bumuo ang Net 25 ng ganitong content para makatulong sa mga tao sa gitna ng pandemya.
“Noong binata ako marami akong natulungan talaga hindi ko lang sinasabi ito, marami akong napasayang tao at hanggang ngayon kapag binabalik-balikan ko iyon ay mayroon akong mga pamilya na ang mga anak nila napagtapos ko ng pag-aaral, mayroon akong nabigyan ng shelter, nabigyan ng hanapbuhay.
“Ngayon lang napag-uusapan ito and up to now walang tatalo talaga sa ligaya ko kapag nakikita kong masaya sila, iyong pasasalamat sa akin na dahil hindi ko sila binigyan ng kung anuman, binigyan ko sila ng buhay.
“Nabigyan ako ng pagkakataong tumulong sa kanila nang lubus-lubusan at hanggang ngayon hindi ko makalilimutan na iyon ang nagpabida sa akin sa sarili ko, sa puso ko ng mga taong ito. In my own little way, I was able to save a lot of people through the years hanggang ngayon,” esplika ni Aga.
Si Aga ay mag-i-interview dito ng mga gumagawa ng humanitarian acts. Hindi alam ng mga ito na ang aktor pala ang kakausap sa kanila kaya naman madalas ay nagkakagulatan dahil hindi nila alam na isang Aga Muhlach ang makakausap nila.
Sobrang thankful ang aktor sa pagkakataong ibinibigay sa kanya ng Net25 sa mga show niya sa naturang TV network.
Aniya, “I’m happy that I’m part of Net 25 now, doing shows that I really want to do and I’m grateful that Net25 gave me the chance to do these shows na gusto kong gawin. Hindi yung because you’re being paid and you do it, parang ganoon. Nang nag-offer sa akin ang Net 25 ng game show at ngayon itong Bida Kayo Kay Aga, hindi ako nagdalawang-isip. Kasi yung mga ganitong shows ang gusto kong gawin talaga.
“Gusto kong mag-reach out sa mga tao, sa masa. Gusto ko iyong may interaction sa mga tao. At dito sa Bida Kayo Kay Aga, hindi ako ang bida, kayo ang bida sa amin. Itong programang ito, para sa inyo ito. Thankful ako sa NET 25 for allowing me to do this show.”