Advertisers
Ni WALLY PERALTA
EQUALLY excited si Alden Richards sa pagsisimula ng lock-in taping niya ng kauna-unahang serye na pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.
Tila mas mauuna pa itong ipalabas kaysa sa movie na nakatakda nilang gawin, Pinoy adaptation ng isang Japanese movie na may working title na “A Special Memory” samantalang ang Korean nobela naman na gagawin nina Bea at Alden ay may pamagat na “Start-Up”.
Gagampanan ni Alden ang role ng male lead star na si Nam Do-san, isang Math genius na ang negosyo ay naging matamlay ang income ng halos dalawang taon.
“This is my first K-drama adaptation project. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na mabigyan ng opportunity to be able do something na hinahanap ng audience. Very relatable ang story, specially for young people who want to make good in their own careers, at pati yung pagkaka-develop ng love story between the two lead characters. I’m also looking forward to finally get to act with Bea in a show like this,” say ni Alden.
Samantala, ang leading lady naman niyang si Bea Alonzo ay gagampanan ang role ni Bae Suzy, bilang si Seo Dal-mi, isang ambisyosa at passionate sa kanyang piniling karir.
“Nakakatuwa. Kasi even before I signed up formally with GMA, in my first meeting with the Kapuso bosses, na-pitch na nila sa akin ang project na ito and this is really one of the reasons why I decided to move to GMA. And now, it’s finally happening,” say naman ni Bea.