Advertisers

Advertisers

Legacy ni Macoy at Digong, ipagpatuloy nina BBM-Sara

0 10,558

Advertisers

MISMONG si re-electionist Masbate Gov. Antonio Kho ang nagpahayag na ang kanilang buong probinsiya ay todo suporta sa tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate na si Inday Sara Duterte, kasabay ng pagsasabing malaki ang tiwala nilang ipagpapatuloy nina Bongbong at Sara ang legasiya ng kanilang mga ama na kapwa itinuturing na pinakamahuhusay na mga presidente ng bansa.

Sa isang panayam bago ang pagdating ni Marcos sa Masbate Airport para sa ‘campaign sortie’ nitong Sabado, sinabi ni Kho na ang kanilang local leaders at mga kababayang Masbateno ay naniniwalang tutumbasan nina BBM at Sara ang kapwa kagalingan nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Pangulong Rodrigo Duterte.

Isang simple at maikling dayalogo ang isinagawa sa Airport matapos ipakilala ni Kho si Marcos sa mga local officials ng probinsiya.



Ayon sa opisyal, 17 sa 21 mayor sa kanilang probinsiya ang “all-in” para sa UniTeam.

Kasabay nito, tiniyak ng mga local leaders ang “landslide victory” sa kanilang probinsiya ni BBM.

Ang Masbate ay may tatlong ‘congressional districts,’ 20 ‘municipalities’ at isang lungsod na may kabuuang 600,000 registered voting population noong taong 2019.

Si Kho rin ang kauna-unahang Bicolano governor na nagdeklara ng todo suporta sa UniTeam, bagay na sinasabi ng mga eksperto na malabo nang ma-solid ni Leni Robredo ang buong Bicolandia.

Nagpahayag na rin ng kanyang suporta si Catanduanes Gob. Joseph Cua para sa BBM-Sara UniTeam.



Si Camarines Norte Governor Edgar Tallado ay nag-endorso na rin sa BBM-Sara UniTeam noong Pebrero 8 kasabay ng pagdiriwang ng “Sara para sa Barangay” sa Daet City.

***

Samantala siniguro ni Bongbong Marcos Jr. na kung papalaring Manalo ay tutukan nya ang pagpapasigla pa ng ekonomiya ng bansa dahil sa nagingm epekto dito ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bongbong Marcos, alam niya ang pangangailangan ng sektor ng paggawa na kailangang taasan ang sahod pero dahil hindi pa nakakabangon mula sa pandemya ay siguraduhin muna niyang pasiglahin ang kalakalan.

Sinabi pa nito, titiyakin niyang sa pagbubukas ng mga kumpanya ay ang pagbabalik sa trabaho ng mga maraming Pilipino.

Mula sa ganitong konsepto aniya ay sisiguruhin nya ang kaluwagan at pagbibigay ng nararapat na mga benepisyo sa mga manggagawa.

Alam din daw ni Bongbong Marcos ang kalagayan ng mga management o mga kompanya, maging ng pamahalaan at mga manggagawa na lahat ay nagtitiis.

Kaya kailangang patatagin muna ang kalakalan at ito ang kanyang pagsisikapang gawin.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.