Sa 3 years na relasyon…Maine at Arjo nagiging magkamukha na; Sunshine at Teresa ni-like ang pic na magkasama ang mag-amang Cesar at Diego
Advertisers
Ni BETH GELENA
MARAMI ang bumilib sa pagpapakumbaba ng aktor na si Diego Loyzaga.
Itinatwa na siya ng amang si Cesar Montano at pinalayas sa bahay nito pitong taon ang nakakaraan pero siya ang unang gumawa ng paraan para muli silang magkasundong mag-ama.
Viral ang pinost na larawan ni Diego na nag-bonding silang mag-ama sa pamamagitan ng pagbabasketball.
Ni-like ni Teresa Loyzaga ang pagkakasundo ng mag-ama.
Kinomento ni Teresa sa IG account ng anak, “You make me Proud son. [heart emoji] I love you.”
Pinuri naman ng netizens ang magandang pagpapalaki ni Teresa sa anak.
“Thank you Lord,” pasasalamat ni Teresa sa pagkakaayos ng kanyang mag-ama.
Maging ang ex-wife ni Cesar na si Sunshine Cruz ay nagreak sa.bonding moment ng mag-ama.
Ni-like rin ng aktres ang post ni Diego at naglagay ng heart emoji.
Gayundin ang panganay na anak nina Sunshine at Cesar na si Angelina.
Tatlo ang anak ng ex-couple na pawang girls — Angelina, Samantha, at Franchesca.
***
TATLONG taon na ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Matibay na ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan as a couple.
Umpisa pa lang kasi ay pawang pamba-bash na ang nakukuha ni Arjo dahil siya raw ang dahilan kaya nagkahiwalay ang AlDub Nation, ang fandom.nina Maine at Alden Richards.
Never namang sinuko ni Arjo ang pagmamahal sa Dubsmash Queen.
Simple lang ang ArMaine kung magselebreyt ng kanilang anibersaryo.
Maging ang mrnsahe nila sa isa’t isa ay simple lang din, pero feel na nandoon ang pagmamahalan sa isa’t isa — mapa-anniversary man o birthday.nila.
Kamakailan lang ay nagselebreyt ng 27th birthday si Maine.
Isang simpleng birthday message ang pinadala ng actor sa girlfriend.
“Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba” with heart emoji.
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa simpleng mensahe ng aktor pero punumpuno ng pagmamahal.
“Sana sila na nga forever. Pero di ko bet mga attire ni Maine=)Þ”
“Parang nagiging magkamukha na sila. Feeling ko malapit na makasal.”