Advertisers

Advertisers

URCC Unbreakable sa ‘Gapo… 3X3 WOMEN MMA FIGHTERS GIGIL NA SA LABAN

0 435

Advertisers

GIGIL nang sumabak sa ruweda ng bakbakan ang magkabilang protagonista ng

Universal Reality Combat Championship (URCC) Global na sisipa sa Marso 20,2022 sa SBMA,Olongapo City.

Ang palabang lady fighters ng Team Leni sa pangunguna ni Christine Conrado kasama sina Catherine Soria at Colin Biron ay tahasang hinamon na ng bakbakan kahit kailan at kahit saan ang mga beteranang lady fighters ng BBM-Sara na sina Jomary Torres, Claire de Guzman at Jhen Buzon.



Sila ay iprinisenta ng URCC founder na si Alvin Aguilar sa nakaraang press conference sa Victoria Sports s EDSA,Quezon City bilang undercard ng main event heavyweight fight nina Gester Maglaque at Sugar Ray’ The Mammoth ‘ Estroso at na klasikong sagupaan ng Team Manila vs host Team Olongapo.

Sa naturang presentasyon ay nagkagulo ang magkabilang panig na nauwi sa palitan ng maaanghang na salita at batuhan na naging politikal na may kaugnayan sa kanilang ibobotong presidentiables sa Mayo.

Nang tanungin kung alam ng kandidato para sa pangulong si Leni Robredo ang kanilang laban,sinabi nilang ipapaalam at iaalay ang tropeo sa kanilang idolo matapos talunin ang kalaban.

“ Our fighters are raring to fight after a long period of inaction due to pandemic kaya heto na ..bakbakan na!, pahayag ng umawat sa gulong si Aguilar, pangulo din ng Wrestling Association of the Philippines. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">