Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAHIT noon pa man ay inihahayag na ni Angelica Panganiban na gusto na nito na magkaanak.
At paano naman mangyayari ‘yun eh wala pa sa buhay niya ang non-showbiz bf na si Gregg Homan.
May kumalat na tsika na preggy na nga raw ngayon ang aktres sa non-showbiz bf nito.
Eto nga marahil ang dahilan ng pagtanggi nito sa mga offer-projects sa kanya.
May ilang projects nga na tinanggihan si Angelica at eto pala ang reason ayon sa mga sitsit.
Kahit naman daw ang mga exec ng Dos ay alam ito na binati pa nga si Angelica.
Dahilan ba ito para mag get together kamakailan ang magkakaibigan sa bahay nina Angel Locsin, sina Dimples Romana, Anne Curtis, Angelica with Gregg at Bea Alonzo with bf Dominic Roque.
Sabat pa ng netizen na may edad na rin naman si Angelica at it’s time nga raw na magkaroon na ng baby.
***
MISMONG si Matteo Guidicelli ay nagulat sa tsikang buntis na ang misis na si Sarah Geronimo.
Sa ngayon nga raw ay ini-enjoy daw muna nila ang pagiging mag-asawa na wala pang anak.
Pero napag-uusapan na nila kung ilan at kailan sila bubuo at magkakaroon ng tsikiting.
Kinumpirma naman ni Matteo sa kanilang socmed account ang rumor na buntis na ang Pop Princess.
May buntis ba raw na umakyat pa ng bundok kamakailan.
At paglinaw ng mister ni Sarah na hinangin lang daw ang damit nito mula sa itaas ng bundok kaya nagmukhang preggy si Sarah.
Well, well, well…’Yun na!