Advertisers

Advertisers

Ayos naman ang lagay ng Alert Level 1 sa NCR at karatig

0 196

Advertisers

AYOS naman ang lagay ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa sa ilalim ng alert level one na kung saan mas bumababa pa ang kaso ng covid-19 may isang linggo na ang nakakalipas.

Ito na ang pinakamababang level ng ating quarantine status na kung saan lumalabas ng normal na ang lahat ng mga kalakaran partikular na ang kalakalan, hanapbuhay, transportasyon, negosyo at marami pang iba.

Pwede na rin lumabas at mag-punta kung saan-saan sa alert level 1 ang lahat ng indibiduwal na walang pinipiling edad maging bata man o matanda, bakunado man o hindi, walant itatangi at walang pipiliin.



Kung dati ay 30-50 porsiyento lang ang pwedeng papasukin sa mga simbahan, bahay-sambahan at iba pang mga establistamento, ngayon ay 100% na all at hindi na sana all.

Maganda at magaling din ang timing dahil sa nala-lapit na eleksiyon na kung saan kailangan ng mga kandidatong mangampanya ng puspusan dahil hindi rin mapi-pigilan ang agos ng maraming tao.

Nag-uumpugan na muli ang mga tao sa mga mall, palengke at iba pang mga establistamento. Wala na ring puwang at espasyo ang mga pasahero sa lahat ng mga pampublikong sasakyan. Siksikan, may nakatayo at meron na ring nakasabit.

Sa situwasyong ito ay hindi na applicable ang health protocol na physical distancing na obvious naman, di po ba?

Isang mahalaga at importanteng health protocol na lang ang dapat natin tuparin at sundin, iyan ang pagsusuot ng ating face mask ke saan lugar o establistamento tayo magpunta.



Wearing of mask is a must. Hindi na baleng hindi masunod ang physical distancing basta’t nakasuot lang ang ating face mask dahil ito na lang ang tanging proteksiyon natin.

Nasa new normal man tayo ngayon, iba pa rin ang naka face mask upang hindi mag-excursion ang ating mga laway at hininga.

To each his own ika nga. Langhapin natin ang sarili nating mga hininga at huwag ng ipa-langhap sa iba. Ito na siguro ang da best upang pangalagaan at proteksiyunan ang ating sarili.

Harinawa’y manatili sana ang ganitong kalakaran ano man situwasyon ang dumating, campaign period man, eleksiyon man hanggang sa pagpalit ng bagong administrasyon sana’y ganito pa rin.

Sana’y matapos na ang panahon ng pandemya at nawa’y malag-pasan natin lahat ang krisis at pag-hihirap ngayon at magpakailan man.

CHECKPOINT-KOTONG SA TONDO, MANILA

Inirereklamo ng maraming motorista partikular na ang mga rider o mga naka motor ang isang checkpoint sa Tondo, Manila na diumano’y masyadong petmalu ang mga nagmamandong mga pulis.

Sinabi ng ilan motorista na sobrang abala ang kanilang inaabot sa mga pulis dito na pinamu-munuan ng isang Police Major sa panulukan ng Pritil at Juan Luna sa Tondo, Manila.

Dati daw ay mga walang helmet lang ang sinisita at pinapahinto sa nasabing lugar nguni’t ngayon daw ay hinahanap na ang lahat mula lisensiya hanggang OR-CR ng minamanehong motor.

Wala pa man daw nilalabag na traffic violation ang mga motorista ay bakit lisensiya na agad at OR-CR ang pinipilit hanapin ng mga ito kung kaya’t marami ang nagtatanong kung ito ba daw ay legal.

Ayon naman daw sa iba na meron ng pinakitang lisensiya at iba pang dokumento, ibang butas naman daw ang hahanapin ng mga ito tulad ng nagma-maneho ng naka-shorts at naka-tsinelas.Wala daw kalusot-lusot sa mga ito.

Ang checkpoint na ito ng Pritil detachment na nasa ilalim ng MPD-PS1 sa Raxa Bago, tondo, Manila ay nakaugalian na daw umpisahan ang paninita dakong 5:30 pm- 6:30 pm kung kailan pa naman anila rush hour.

Dinaig pa daw ang mga regulasyon sa lockdown status na kung saan pwede talagang sitahin ang lahat ng sasakyan nguni’t malaki nga naman daw ang situwasyon ng lockdown at alert level 1.

Sa nasabing checkpoint ay kulang na lang daw na hingin sa kanila ang kanilang certificate of vaccination at permit to travel tsk tsk tsk.

Ayon sa ating mga naka-panayam, ang mga motor daw na may violation ay dinadala sa impounding area ng MTPB sa Quiapo, Manila na kung saan sila pinagmu-multa.

Dinagdag nila na hati daw o 50-50 sa halaga ng pagkakatubos ng motor ang ilan kawani ng MTPB at mga pulis na nag-escort sa mga motor sa nasabing himpilan.

Totoo man o hindi ang nasabing reklamo, bigyan naman natin ng konting konsiderasyon at luwag ang mga motorista gayong nasa alert level 1 na ang NCR at iba pang lugar sa bansa, di po ba?