Advertisers

Advertisers

Inigo kumikita ng dolyares sa Tate, kinabog na ang amang si Piolo; Heart inamin, maarte pero ‘di masamang tao

0 394

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAKABALIK na ng Pinas si Diego Loyzaga.
A few days ago, pinag-uusapan ang reconciliation nila ng amang si Cesar Montano.
At ngayon naman ay isang netizen ang nagpost ng larawan nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial na nasa isang restaurant sa Pasig City na may kasamang isang non- showbiz guy.
Walang nakalagay sa caption kung ano ang ganap sa ex-couple.
Sinulatan lang ng netizen na may bagong ini-endorso na isang slimming center ang aktor.
Ni-repost naman ng isang fan ang nasabing larawan at saka nagtanong kung bago raw ba ang kuhang picture ng ex -couple.
Anyway, si Barbie lang naman ang kumudang hiwalay na sila ni Diego though wala naman siyang sinasabing rason kung bakit sila nagkahiwalay.
Walang diretsahang sinabi si Diego na hiwalay na nga sila ng aktres.
Mga netizen lang ang nag-speculate na kaya siya biglang lumipad last holiday season patungong Tate dàhil nga sa umano ay break-up nila.
Pero bago ang paghihiwalay umano nina Diego at Barbie ay nagselebreyt pa ang mga ito ng kanilang first annuversary.
Kung totoo raw na nagkabalikan sina Diego at Barbie, eto na lang ang nasabi ng netizens.
“Maypa comeback! Good for them”
“Diego appears to heal past hurts. First the dad then the recent ex. Nothing wrong as long as it brings him peace and clarity.”
“Why not? If they still love each other, go!”
May nagsasabi namang ginagamit lang daw ni Diego si Barbie
***
MAY payo si Heart Evangelista, sa kapwa niya kababaihan na ‘fashion is life.’
Marami ang nagsasabing maarte si Heart at aminado naman siya doon.
Esplika ni Heart: “All I can say is don’t listen. You do you and you’d be you. Express your individuality in every way possible–paint, rest up–do anything you want as long as wala kang tinatapakan. Learn to live life to the fullest. YOLO!”
Dagdag pa niya, “Just be yourself and let go. Dress the way you want to. I-run way mo yung buong buhay mo if you want. At the end of the day, what’s important is, you live your life to the fullest. Life’s a party.”
Sabi nga ni Heart sa isang interbyu noon, Oo maarte ako, but i am not a bad person.”
Hindi nga ba’t kaya nabighani si Sorsogon Governor Chuz Escudero dahil sa pagiging tao ng Kapuso aktres!”
***
AMINADO si Piolo Pascual na mas malaki pa ang kinikita ng anak na si Inigo Pasual kesa kanya.
Proud naman siya dahil umaarangkada ang singing-acting career ng anak sa internatinal project na dolyares ang kinikita, so far.
Nasa Georgia pa si Inigo at nagsu-shoot ng American musical drama na Monarch ng Fox Entertainment.
Isa lang naman siya sa mga bida ng series with Holywood stars Susan Sarandon, Albie Roman, Anna Friel, Trace Adkins at Beth Ditto.
Sa panayam kay Papa P ng Monster RX 93.1 FM radio, ibinahagi niyang tapos na raw ni Inigo ang season 1 at season 2 na raw ang isinu-shoot nila.
“He’s still in Georgia, he’s still filming. Their show was moved to fall because of the pandemic but I think, they’re already doing season 2. So, yeah, he’s pretty set-up,” sey ni Papa P.
Pagmalalaki pa ng ama na may sariling trailer sa set ang anak na never daw niyang na-experience.
“And yes, dollars ang kinikita at mas malaki pa ang kinikita niya ngayon kaysa sa akin.
Hindi naman nagpapatalo ang ama sa anak, aba dala-dalawang project agad ang kanyang ginagawa sa Kapamilya.
Yun nga lang hindi dollar kundi pesopesoses ang kita niya.
Katatapos lang niya ang sitcom with Pia Wurtzbach, ang My Papa Pi directed by Cathy Garcia-Molina.
Kasalukuyan din niyang tinatapos ang Flower of Evil with Lovi Poe under Dreamscape Entertainment .