Advertisers
HA! HA! HA!!! hindi malaman ngayon ng mag-utol na Remulla ng Cavite kung paano pasinungalingan at ipaliwanag sa kanilang iniendorsong presidentiable ang pagdagsa ng mga tao sa rali ni Vice President Leni Robredo sa Cavite kamakailan.
Aba’y halos hindi mahulugan ng karayom ang General Trias Sports Park sa Cavite sa dami ng mga tao na dumalo, karamihan ay nakasuot ng kulay pink at nagwawagayway ng mga hawak nilang bagay na kulay pink. Sila’y kakampink!
Hindi ito inaasahan ng mag-utol na Cavite Governor Jonvic Remulla at Congressman Boying Remulla na ang iniendorso o sinusuportahan ay si Bongbong Marcos Jr. Pinangakuan pa nga nila si “President Bongbong” ng 800,000 votes sa kanilang lalawigan.
Pero ang nakitang crowd sa Leni-Kiko rally last week ay matibay na ebidensiya na ang mga mamamayan ng Cavite ay “inlove” kay Leni at hindi kay Bongbong.
Oo! Talagang hindi nakapagsalita si Gov. Jonvic sa nangyari. Hindi na siya nagpa-interview sa media. Hanggang ngayon ay hindi siya mahagilap kahit ng vloggers at ng tiktokers. Hehehe…
Tanging si Cong. Boying ang naglakas-loob para ianunsyo na “hakot at bayad” daw ng tig-P500 ang mga pumunta sa rali ng Leni-Kiko sortie.
Eh halos 50,000 ang dumalo sa naturang rali, ayon sa estimate ng pulisya. That means kung sinuhulan ng tig-P500 ang bawat dumalo, that’s P25 million! Saan naman kukuha ng ganito kalaking halaga ang organizers ng rali eh maliwanag naman na walang sapat na pondo ang kampo nina Robredo at Kiko. Volunterism ang nangyayari sa kampanya ng kakampinks!
May isang “JR” naman ang lumutang na ang mga picture daw ng rali na pinalabas sa media ay dinuktor, yung maliit na bilang ay pinalalaki sa pamamagitan ng photoshop. Ngek!
Sabi ng “JR” na ayaw naman ipakita ang mukha, nilapitan daw siya noong 2021 ng kampo ni Leni para maging taga-duktor ng mga larawan sa mga kuha nito sa mga pinupuntahang events. Pero hindi raw siya pumayag dahil hindi kaya ng dibdib niya. Hehehe…
Paano kaya duduktorin ang live na kuha ng drones at ng netizens na nasa rali?
Halata na itong “JR” ay tao ng isang presidentiable na hindi matanggap ang pag-arangkada ni Leni sa kampanya. Mismo!
***
Inirereklamo ng kampo ng ilang presidentiables ang hayagan umanong pag-endorso ng Simbahang Katoliko sa Leni-Kiko tandem at pagsira sa kanilang kandidatura.
Kaagad naman itong binutata ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa ipinalabas na statement ng Simbahan.
“By accusing the Church, the public is warned ominously that this candidate might not tolerate factual information and dissenting opinions after all. Hence, the danger of an autocratic regime that subjected many Filipinos to decades of suffering and oppression becomes a possibility if this candidate gets elected,” diin ni CBCP Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Reverend Fr. Jerome Secillano sa statement.
Ipagpalagay natin na iniendorso nga ng Simbahan, bagama’t hindi naman ginawa, ang Leni-Kiko tandem, ano naman ang masama roon? Eh sila nga ay iniendorso rin ng ibang religious groups pero hindi naman umaangal ang kampo nina Leni at Kiko. Masyadong seloso at kabado itong mga katunggali ng kakampinks. Hehehe…
***
Apat na vote-rich provinces ang biglang lumipat sa kulay pink. Ang dalawa ay mula sa Visayas at ang dalawa ay sa Luzon matapos kakitaan ng malaking crowd ang rali ng Leni-Kiko sa kanilang probinsiya. Lumipat sila kay Leni dahil iyon daw ang gusto ng kanilang mamamayan. Araguy!!!