Advertisers

Advertisers

Vice Mayor Honey Lacuna, tinawag ni Isko na “Ina ng Maynila”

0 345

Advertisers

“SANA, pagbigyan nyo ako na sana, ang isunod ninyo sa akin na mayor ay si Vice Mayor Honey Lacuna.”

Ito ang panawagang ginawa ni Presidential bet at Mayor Isko Moreno, kasabay ng pagtiyiyak niya na pantay pantay ang matatanggap na opurtunidad ng mga residente ng Maynila kahit ano pa ang kasarian nito.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng pamahalaang lungsod ng International Women’s Day, sinabi ni Moreno na ikinararangal niya ang mga kababaihang tumutulong sa kanyang administrasyon upang magtagumpay ang lahat ng programa nito.



Ang mga kababaihang ito ay pinangungunahan ni Vice Mayor Lacuna, na tinawag niya bilang “Ina ng Maynila,” gayundin ang mga opisyal at empleyado ng lungsod mula high-ranking pababa sa job order personnel.

“I am extremely proud, happy and grateful to the people of Manila for having given me a woman partner to administer over about two million citizens. I hope I did not fail you,” pahayag ng alkalde, sabay sa pagbanggit ng suporta na kanyang natatanggap mula kay Lacuna at sa kakayahan nito bilang vice mayor, Manila City Council presiding officer at pinuno ng city’s health cluster, bilang isang doktor.

Ayon pa kay Moreno, maging si Congressman Yul Servo na tumatakbo bilang vice mayor ni Lacuna ay mapalad kay Lacuna bilang working partner dahil alam na aniya nito ang pasikot-sikot ng trabaho simula pa noong maupo sila noong 2019, lalo na ngayong may pandemya.

Malaki ang pagtitiwala ni Moreno na tulad din ni Lacuna si Servo ay magiging epektibo sa pagsuporta sa pamahalaang lungsod base na rin sa service record nito sa legislation. Bilang isang Presiding Officer ng Manila City Council, na kanyang hahawakan sa kanyang pag-upo bilang vice mayor, ang trabaho dito ay katulad lang ng naging trabaho nito Congress.

Sa Maynila, sinabi ni Moreno na silang dalawa ni Lacuna ay may katangian na parang mag-asawa. Kapwa sila mayroong pantay na opurtunidad.



“Ang aming policy ay pantay-pantay na oportunidad para sa lahat. Kung magaling ka, pwede. Kung me maitutulong ka, sama ka. Never kaming tumingin sa katayuan o kasarian. Lahat ay base sa merito,” sabi ni Moreno.

Sinabi pa ng Presidential aspirant na marami siyang napirmahang promotions pero hindi niya ito mga nakaharap dahil kwalipikasyon ang kailangan. (ANDI GARCIA)