Advertisers

Advertisers

Ariel Lim, tinaguriang Tsuper Hero

0 376

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

IN full support sina friendship Jobert Sucaldito at Philip ‘Dada’ Abavon Rojas dahil binigyan nila ng mini-preskon ang kumakandidato sa pagka-Senador this coming May, 2022 election na si Ariel Lim na at present ay  National Chairman ng TODA.

Si Mr. Ariel Lim ay tipong tagapagtanggol ng mga drivers ( Taxi, Tricycles, bus at maging mga private drivers) kaya tinawag namin siyang Tsuper Hero or Drivers hero. Suportado rin siya ng ilang beauty queens tulad ng Mrs. Universe Australia official na sina Ms. Mary Rose at Ms. Miriam, atbp.



So don’t forget da name- Ariel Lim number 41 sa balota ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-Senador this coming May 2022 election. Yun na!

***

ADULT KUMUNITY FINAL 5 NG “PBB,” BUO NA

Nakumpleto na ang Adult Kumunity Final 5 ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” na sina Nathan Juane, Michael Ver Comaling, Seham Daghlas, Isabel Laohoo, at Zach Guerrero.

Ito ay matapos ma-evict nina Laziz Rustamov at Raf Juane na nakakuha ng 4.42 percent votes at 6.17 percent votes mula sa combined text at Kumu votes, habang 26.68 percent votes ang nakuha ni Zach at 52.21 percent votes naman kay Isabel.



Unang nakapasok sina Nathan at Michael sa Final 5 matapos nilang piliin na tapusin ang task ni Kuya na i-shoot ang pingpong ball sa isang obstacle. Nakuha naman ni Seham ang slot niya nang pinakahuling nakahulog ng bola sa kanilang task para sa automatic slot sa Final 5.

Abangan ang kanilang haharapin pang mga hamon para sa pagkakataong maging Big Winner ng “PBB Kumunity Season 10” kalaban ang Celebrity Kumunity Top 2 na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion mula sa Celebrity Edition at ang mga mananalo sa Teen Edition.

Ngayong linggo, sisimulan namang ipakilala ang mga teen housemate na papasok sa Bahay ni Kuya ngayong linggo sa pagsisimula ng Teen Edition kasama ang pamilya ni Kuya sa pangunguna nina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.

Lagi namang wagi sa TV ratings ang First Lady at Daig Kayo ng Lola Ko of Kapuso Network.

Ang First Lady ay napapanood gabi gabi mula Lunes hanggang Biyernes 8pm na ang lead stars ay sina Gabby Concepcion, Sanya Lopez, Isabel Rivas, Glenda Garcia, Pilar Pilapil, atbp.

Samantala, ang Daig Kayo Ng Lola ko ay napapanood tuwing Linggo ng gabi, 7pm. Abangan na lang po ang muling pagbabalik ng Lolah nyo na si Madam Gloria Romero na siyang original na Lola sa nasabing Kapuso Sunday TV series.