Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI biro ang proseso na pinagdaanan ng Calista, ang bagong I-pop girl group na pinamamahalaan ng Tyrone Escalante Artist Management (TEAM).
Literally dumaan sila sa butas ng karayom sa kanilang auditions.
Mula sa 100 na nag-audition sa first leg, na trim-down sila sa 50.
Then naging 25 sila hanggang sa anim na lang ang matira sa final selection.
Anila, Calista ang pangalan ng kanilang grupo dahil pinaikling Call It a Star ito.
Para sa grupo, nasa proseso pa sila ng pag-explore ng kanilang sining at malaking bagay na napansin at pinagtiwalaan sila ng American music producer na si Marcus Davis, Jr. na instrumental din sa career ni Billy Crawford bilang European popstar.
Ang Merlion Events Production, Inc. ni Davis, Jr. ang producer ng kanilang debut single na “Race Car.”
Bagama’t malayo pa ang mararating, naniniwala silang ang tunay na star ay produkto ng tiyaga at pagsusumikap.
Iyong patuloy na nagpupunyagi para matuto at dumadaan sa proseso.
Dagdag pa nila, ang isang star ay may commitment sa kanyang craft, nag-aapoy ang passion sa kanyang sining at patuloy na nag-e-evolve ang talento.
Hirit pa nila ang mga bansag na Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle at Fiery Dain ay ibinagay lahat sa kanilang personalidad.
Come April 26, 2022, magkakaroon ang Calista ng kanilang first ever concert na Vax to Normal sa Smart Araneta Coliseum.