Advertisers

Advertisers

Food pack panuhol sa Manileno

0 379

Advertisers

NAUUMAY na ang Manileno sa food pack na ibinibigay nina Yorme at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna.

Hindi daw kaya magkasakit sila dahil sa puro preservatives ang mga de lata at noodles na natatangap nila. Wala man lang vitamins o prutas na makapagpapalakas ng kanilang resistensya.

Sigaw nga nila: food pack is good but we need cash!



***

SIGURO mga katoto, sa kainitan noon ng pandemic noong 2020 ay okey ang mga ipinamamahagi food pack sa Maynila ,dahil hindi makalabas ng bahay ang marami Manileno dulot ng lockdown policy.

Pero ngayong nasa alert level 1 na tayo sa Metro Manila, kung saan ang lahat ay maari nang makalabas ng kanilang bahay at magtrabaho.

Hindi na ayuda ‘yan, poltical gimmick na ‘yan!

***



KUNG susuriin lang ang ayuda at ipinagmamalaki na ang halaga daw ng bawat food pack ay P1,000, isang malaking fake news ito.

Tingnan, anim na sardinas, apat na corned beef, apat na beef loaf, apat na sachet ng kape, at 2 kilo bigas. Kung kukwentahin, halos mahigit P500 lamang ang halaga nito.

Ayuda kuno, kumita pa sila!

BAKIT PERA ANG DAPAT NA AYUDA?

MGA katoto kung pera ang inayuda ng city, malaking tulong ito sa ating ekonomiya, iikot ang pera sa pamilihan at mercado.

Makakalikha ng produksyon, trabaho, na siyang pundasyon upang makabuo ng maayos na takbo ng ekonomiya

Simpleng Economics 101 lang ‘yan!

***

DAHIL ang ayuda food pack, sila ang kumikita. Hindi tama ang deklarasyon na P1,000 ang halaga ng food pack at hindi rin lahat nakatatangap.

Kaya ang umano’y P:1 bilyon pondo nila sa ayuda para sa 700,000 famillies ay malinaw na malaki rin ang kanilang kickback.

Hoooy, hindi n’yo kami mabubudol!

***

PANUHOL din nila ang mahigit 5,000 job order o J.O na kinuha para magtrabaho sa city hall mula Marso hangang Hunyo 2022. Gamit nila ang pondo ng city.

In short, pagkatapos ng eleksyon at pagkaupo nila sa July 1, (kung mananalo) sisipain din nila ang mga J.O na ito na ginamit lamang nila ngayong halalan.

Ok lang ‘yan, tanggapin ang pera, iboto ang kursanada!

SAVE DIVISORIA MARKET!

NAGTATAKA talaga ang maraming stallholders ng Divisoria market kung bakit ibinenta nila Yorme at Lacuna ang palengke sa halagang P1.4 bilyon.

Historical ang naturan palengke na itinayo noon pang 1901. Idinahilan ang pandemya kaya daw ibinenta nila ito sa Festina Holdings na siyang may-ari ng Divisoria mall.

Gagamitin daw nila ang pera sa ayuda!

***

NITONG Enero 2021, nang makatangap ng notice of closure ang mga manininda dito at sinabihang ililipat na lamang daw sila sa Pritil market.

Teka, teka, hindi ba nangutang ang Maynila ng P25 bilyon?! — P10B sa Landbank, P15 sa Development Bank of the Philippines, bakit kailangan ibenta ang Divisoria market?!

Sa magkano dahilan, Majority floor leader Coun. Joel Chua?!

***

KAYA maganda ang plano ni Manila Mayoral candidate Kuya Atty Alex Lopez sakaling manalo sa Mayo a-9.

Rerebyuhin niya ang lahat ng multi-million kontrata pinasok nina Yorme at Lacuna. Hindi niya ipapasa sa Manileno ang P25 bilyon inutang na ginastos para sa magarbo nilang beautification projects at itutuon ang programa direkta sa tao.

Naku, ekonomista talaga ang kailangan sa Maynila, hinde dermatolohista!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)