Advertisers
OPEN secret na masasabi ang pagkaladkad ni alyas Timmy na kupal sa pangalan nila Mayor Luistro ng bayan ng Mabini at Mayor Dimayuga ng San Pascual kapwa ng lalawigan ng Batangas.
Tahasang pinagmamalaki ng kupal na ito na untouchable ang kanyang pasugal sa dalawang bayan dahil kasosyo umano nito ang mga alkalde ng nasabing mga bayan.
Gaano kaya katotoo ito na mismong alkalde ng bayan ang itinuturong nasa likod ng iligal na aktibidades?
Tila bulag, pipi at bingi ang dalawang alkalde ng Mabini at San Pascual pagdating sa usaping iligal gaya ng bookies, lotteng at STL cum jueteng.
Bulag dahil parang walang nakikita ang mga ito sampu ng kanilang mga alagang pulis pagdating sa intilehensya ng sugal lupa, kahit na ba harap-harapan sa kapulisan ang pagpapataya ng mga kubrador sa dalawang bayan na nabanggit.
Pipi dahil tikom ang bibig ng dalawang alkalde sa isyung ito, na walang ibang bukang-bibig kundi ang pinupulitika sila.
Alibi mga sirs?
Bingi naman sa mga panawagan ng ilang constituents nila na hulihin at ipatigil ang sugal sa kanilang nasasakupang bayan na nagiging dahilan ng pagkalulong ng mga ito sa opisyo ng sugal.
Kaya naman pala ubod ng kupal itong si alyas TIMMY dahil ito pala ang nagmimistulang financier nina mayors sa pangangampanya at pagkakaloob ng pinansiyal na tulong.
In short sa direktang usapan, payola money ang nangungusap dito hehehe!
Manalo pa kaya ang mga alkaldeng tinutukoy natin ngayong darating na halalan sa Mayo 9?
Malamang ay oo dahil sadyang totoo ang kasabihang…MONEY TALKS!
Mas maraming kuwarta, mas sigurado ang panalo ng isang pulitiko kahit pa nga pulpol ito o bugok.
Kahit pa nga pasimuno na ang mga ito ng iligal na sugal o ano mang bisyo.
Hindi naman nakakain at naibibili sa tindahan ang prinsipyo, di po ba?
Hangga’t nananatiling napakaraming naghihirap at nagugutom tayong mga kababayan, patuloy na mamamayagpag ang kamandag ng mga korap na pulitko at ang mga iligalistang ganid!
Dahil nga nakasandal at nakatungtong sa dalawang Alkalde na parang BANGAW ang kupal na si Timmy, nakatali kapwa ang kamay ng dalawang chief of police ng nasabing Bayan, PPO ng Batangas at ang PRO-4A.
Speaking of Region 4A, naniniwala tayong “BUKOL” ang inaabot nitong si PBGEN. ANTONIO YARRA mula sa mga opisyal na umano’y protektor at kapustahan ng kupal na si Timmy.
Nagyayabang pa ang kupal na mga “patabaing-baboy” lamang ang mga miyembro ng PRO-4A dahil ubod umano ng takaw sa intelihensiya (PAYOLA).
Kung totoo man ito o hindi, wala na tayong keber dito.
Ang masakit lamang ay sa parte ni Gen. Yarra ng PRO-4A na isang respetado at iginagalang ng police office.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com