Advertisers

Advertisers

Lloydie, si Jasmine at ‘di si Bea ang makakapareha sa pagbabalik-pelikula

0 484

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGING Isang malaking inspirasyon para kay John Lloyd Cruz ang mataas na rating lagi at pagtanggap ng masa sa kanyang comedy show na “Happy Together”  kaya mula sa weekly show ay nakatakda na rin gumawa ng isang pelikula si John Lloyd at masasabing comeback movie niya rin ito.  Kung ang dasal ng mga follower nina John Lloyd at Bea Alonzo na silang dalawa ang magtatambal sa pagbabalik movie ni Lloydie, at malakas na factor na rin naman na pareho silang nasa Kapuso Network, pero hindi na ito magpu-push thru dahil sa may napili nang leading lady ni Lloydie, at ito ay walang iba kundi si Jasmine Curtis- Smith,

Bukod sa pareho silang talent ng Crown Artist Management nina Maja Salvador at nobyong si Rambo Nunez,  nakitaan si Jasmine ng produ ng kakaibang angking galing sa pag-arte nang  maging spercial guest ito sa “Happy Together”.



“Yung role na ginawa niya nung pilot episode namin I think mahirap ‘yun. Hindi lahat yata magagawa ‘yun. Parang ang galing na nakita ko ‘yun na kaya niya mag-transition from like seryosong material to a sitcom,” say ni John Lloyd.

Kung hindi man sa movie unang makakasama ni John Lloyd si Bea kailan naman kaya ito isasalang bilang guest star ng kanyang comedy show?

“Inaantay ko nga ‘yung episode na ‘yun, hindi pa siya nangyayari unfortunately. Pero, siguro in its own timing baka sana mangyari pa rin,” dagdag na say ni John Lloyd.

***

CALISTA, AIMING HIGH



SUPER bonggacious ang ginawang media launch kamakailan ng all-female group na Calista o slang term ng ‘Call It A Star’, kasing garbo halos ng Music Video na ginawa ng grupo para sa kanilang kauna-unahang single na “Race Car”.

Marami sa mga naroroon ang nagtataka na kahit hindi pa masyadong ‘alive’ ang entertainment industry sa bansa ay nagsugal ang kanilang manager na si Tyrone James Escalante ng TEAM o Tyron Escalante Artist Management sa grupo.

Ayon sa masipag na manager, masasabi niya raw na isang unfinished business ang pagtatag niya ng isang all-female group. Sinubukan niya raw na magbuo noong una pero nag-fail lang ang kanyang first attempt. At dahil sa nakatagpo ng isang makatutulong, ang Merlion Events Production, nabuo nila ang Calista na mula sa daan-daan na nag-audition na nauwi na lang sa 6 na membera na sina Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle, at Fiery Dain.

Sa press launch ay  nagpamalas ang Calista ng kanilang sing and dance talent. At masasabi ngang sulit ang training at workshop ng 6 na girls dahil pang-world class performance ang kanilang pinakita at puwedeng maging Philippine pride. Masasabi rin na mabibigyan nila ng mahigpit na kompetisyon ang sikat na all- female group from Korea, ang ‘Black Pink’.

Pero sa kabila ng mga papuri ay nanatiling humble ang grupo at nang matanong sila kung sino sa palagay nila ang kanilang mahigpit  na kakompetisya, lalo na sa tulad nilang nagsisimula palang, heto ang kanilang say.

“Bilang baguhang all female group, hindi po kami naghahanap ng kakompetensya o nakikipagpaligsahan sa kapwa namin all female group. We are here to compete to ourselves not to anybody else. Tulad po ng aming first single na “Race Car” ang aming aim is to reach the finish line. At ang masasabi naming finish line ay ang international market.”

Good luck girls!