Advertisers

Advertisers

Pamangkin ni Vice Ganda rumesbak sa bastos na basher

0 496

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SINAGOT ng pamangkin ni Vice Ganda na si Camille Maxine Viceral sa pamamagitan ng isang TikTok video ang komentong umaasa lang siya sa kanyang tito Vice para TOmagkaroon ng pera. Na ang sikat na komedyante lang umano ang kanyang source of income.

Sa 25-second video, ginamit na background ni Camille ang screenshot ng comments ng netizen na nais niyang bigyang linaw. Na para sa kanya ay nakababastos ito.



Tanong ng netizen,”Ano po source of income mo ate”

Sagot ng isa, “tito nya?”

At ang sagot dito ni Camille, “Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat.”

Bagama’t tito niya si Vice at alam niyang marami itong pera, nilinaw ni Camille na hindi sila pabigat sa Unkabogable Star.

Katwiran niya: “Dahil kung ‘yun ho ang iisipin namin, hihilahin po namin yung tao pababa.



“May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay.”

Hindi naman itinanggi ni Camille na may tulong silang natatanggap sa kanyang Tito Vice pero hindi raw sila nagmamalabis.

“Kung ano po ‘yung binibigay sa amin, ‘yun lang po yung aangkinin namin.

“Hindi na rin po kami maghahangad nang sobra-sobra pa doon.”

“Ayun lang. Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos.”

Halatang napikon si Camille sa paratang na umaasa lang sila kay Vice, di ba?

***

NOONG March 8, Tuesday, ipinakilala sa entertainment media ang I-Pop all girl group na Calista na binubuo nina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle and Dain.  Sila ay nasa pangangalaga ng TEAM (Tyronne Escalante Artist Management).

Sabay sa pagpapakilala sa kanila ang pag-release ng kanilang debut single titled Race Car at ng miusic video nito. Ito ay produced ng Merlion Events Production Inc. Ang sumulat ng kanta ay si Marcus David.

Sa tanong sa Calista kung paanong nabuo ang kanilang grupo, ang sagot nila ay dumaan sila sa audition.

Sabi ni Laisa, “More than 100 po kaming nag-audition. Ang nagpa-auditon po is ‘yung talent management namin, ‘yung TEAM. Nagpa-audition po siya for girl group.

“Nagkaroon po ng trim down, hanggang naging 50, 25, hanggang naging anim na kami.

“Nagkaroon din kami ng evaluation sa isa’t isa.”

In fairness sa Calista, puro sila magaganda at mahuhusay kumanta at sumayaw. Hataw sila sa kanilang performance bago nag-umpisa ang media conference proper. No wonder,  sa rami ng nag-audition para mapabilang sa grupo ay silang anim ang napili.

Anga Calista ay magkakaroon ng concert billed as Vax To Normal sa April 26, 2022, 6:00 pm, sa Smart Araneta Coliseum.

Magiging special guests nila sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Ken San Jose, at Darren Espanto. Ang magdidirek ng naturang concert ay si Nico Faustino. Ang magko-choreograph ay ang dance icon na si Nash Jeniola at si Soc Mina ang musical director.

For more information and inquiries regarding Vax To Normal, please visit their website:merlionproduction.com. And to know more about Calista,  check out their website at calistasocials.com and follow them on Facebook (Calista PH).