Advertisers
Ni BETH GELENA
DUMARAAN ngayon sa matinding pagsubok sa buhay ang actor na si Tom Rodriguez.
Nadagdagan ang matindi niyang problema sa hiwalayan nila umano ng asawang si Carla Abellana at ngayon naman ay nababalitang purdoy ang Kapuso aktor dahil siya ay na-scam.
Wala pang official statement si Tom hinggil sa bagong isyu.
Pero ayon sa mga sitsit, isang malapit sa aktor ang nagsabing nalimas umano ang life savings (as in zero) ng aktor dahil may nag-alok sa kanyang sumali sa business venture.
Maganda ang paliwanag ng taong kumumbinsi sa kanya na hindi niya alam ay scammer pala.
Maaalalang nag-file si Tom ng certificate of candidacy bilang first nominee sa AMP (Anak Maharlikang Pilipino) partylist na diumano ay kakatawan sa marginalized sector ng construction workers pero hindi ito nakasali sa final list ng Commission On Elections.
Ang nakakalungkot, may napangakuan na umanong tulong si Tom pagkatapos mag-file ng certificate of candidacy dahil nga nag-expect itong magkakaroon ng malaking return of investment at makakatulong ang kanilang partylist group.
Hindi lang daw isa ang napangakuan niya kundi may ilan pa raw siyang kinausap tungkol dito.
Ang tanong, kailan daw kaya magsasalita si Tom tungkol dito?
May nagsasabi pang ito raw ang dahilan kaya biglaang naghiwalay silang mag-asawa na kakakasal lang last October.
Nagbebenta nga rin daw si Carla ng kanyang condominium ng palugi base sa kanyang post pero walang binanggit kung konektado ito sa sinasabing pinagdaraanan ng aktor.
***
KIM SINAKYAN LAHAT NG RIDES SA EK
NA-miss ni Kim Chiu ang pagsakay sa mga rides na nasa amusement center.
Kaya sa bago niyang uploaded video ay ipinakita niya kung gaano siya kasaya.
Parang isang bata na sinakyan ang lahat ng mga rides sa Enchanted Kingdom.
Kasama ang ilang kaibigan at mga kapatid namasyal sila sa sikat na amusement park nitong Linggo.
Ani Kim, na-miss niyang pumunta at mamasyal.
Isa-isa nilang sinakyan ang mga rides sa naturang sikat na amusement park.
Ang caption ni Kim: “Dahil pwede na lumabas dahil alert level 1 na!! Miss ko din talaga mag rides and mamasyal sa amusement park, so for this vlog nagpunta kami sa Magical place here in the Philippines, ang Enchanted kingdom!!! Kasama ang mga candidates ng Ms. Kammy. Sobrang saya nito, 15 rides guys!!!! Kinaya ko ba?”
Naengganyo ang mga netizen at sinabing na-miss din daw nilang mamasyal at sumakay sa mga ride.
Halos dalawang taon kasing nagsara ang EK, ang amusement park na nakaugaliang pasyalan ng mga tao.
***
ELLEN PINUTAKTE NG KAGAT NG INSEKTO SA SOUTH AFRICA
PABALIK na ng Pinas sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na sa South African nag spent ng late honeymoon.
Sabi nga ni Ellen sa pinost na larawan nila ng mister, “we almost missed our flight back home. But survived this trip with lots of love, kisses, laughter, zero arguments and a sh*t load of insect bites… i love you @ramsayderek07.”
Masaya ang mga netizen para sa celebrity couple na noon ay nagsasabing playful time lang ang kanilang pagmamahalan dahil whirlwind romance lang naman daw ang nangyari.
Kesyo pareho raw kasing not marrying type ang celebrity couple.
Pinatotohanan naman ng dalawa na kahit whirlwind romance ang nangyari sa kanila, totoong pagmamahalan ang nararamdaman nila sa isa’t isa.
Kaya marami ang nagsasabing, “Hays sana all mayaman hihihi:”
Isang netizen ang pumuna sa kasuotan ni Ellen habang nagliliwaliw sa South Africa.
“Pretty at sexy sana to si Ellen pero mej baduy manamit. Gusto ko yung mga ootd ni Maggie Wilson sa Africa.
“Komportable manamit ang tawag diyan.”
“Amazing journey. Enjoy love birds.”
***
JULIA DAPAT KABAHAN KAY IVANA, PARTNER NI GERALD SA SERYE
KASALUKUYANG nasa Masbate na ang all cast ng A Family Affair na pinagbibidahan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito, at Ivana Alawi para sa kanimang lock-in taping.
Apat na actor ang kapareha ng sexy-actress-vlogger.
May mga nagtatanong sa apat na guys, kanino raw kaya mali-link si Ivana.
May kumekwestyon din na bakit kasama pa rin si Gerald sa teleserye gayung marami pa rin naman daw Kapamilya actors na walang proyekto.
Samantalang may project pa rin daw si Gerald, ang teleserye nila ni Gigi de Lana na Hello Heart.
May nagkomento, “Gerald na naman nakakaloka ang lakas sa management”
“May contract siya.”
“pero hndi lng si Gerald ang may contract. Ang dami dami nilang artista na nasa freezer na nasa contract prin sa kanila.”
Sinasabi rin ng mga Marites na siguradong kay Gerald daw mali-link si Ivana lalo pa at loveless ang vlogger-influencer sexy actress.
“Julia b.kabahan ka na.”
“Mas maganda si julia kesa kay ivana”
May nagtanggol naman kay Ivana, “baks wag ganun. Baka hindi naman nagaagaw ng jowa si ivana lol”
“Dito masusubukan kung ang appeal ni ivana e mag ta transcend ( not sure kung tala LOL) SA Tv! Good luck”