Advertisers

Advertisers

100K PLATOON RUNNERS TARGET SA 1O M PREMYONG TAKBUHAN!

Buwenamanong Karipasan sa Kamindanaoan ng Cambaoayan..

0 182

Advertisers

SA layuning patuloy na pagtulong sa mga livelihood at community projects sa mga lalawigan ng Mindanao ay muling inilunsad ang Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ng Camboayan Sports, kung saan target ng marathon na makabuo ng 100,000 mga kalahok ngayong 2022 habang patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inaasahan ni Joenel Pogoy, founder at organizer ng naturang event at parner ang Prai Partylist na ang open competition na ito ay darayuhin din sa Abril ng mga dayuhang platoon runners bukod sa mga local competitors na bubuuin ng 33 runners kung saan ay tatlo rito ay babae at karamihan ay pawang mga kalalakihan na at kasama na sa bilang ang 2 manager ng tropa.

Tatahakin sa 23 kilometrong distansiya ng sabay-sabay na pagtakbo ng 33 runners ang 7 adventure challenges.



Tampok din bilang side event sa kompetisyon ang pakain sa mga bisita ng 1 kilometro haba na puro litsong baboy at 500 metrong haba rin ng pawang mga litsong turkey din ang nakalatag na tiyak na magsisilbing kapistahan sa isang siyudad sa Mindanao.

Nabanggit din ni Pogoy sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapang Sports via Zoom na sa sandaling may isang miyembro ng platoon na hindi makatapos sa pagtakbo ay papatawan ito ng team penalty.

Idaraos ang qualification challenge sa Abril habang sa Setyembre ang National Finals sa Bislig City at ang pinaka-final na Laban ng Lahi Platoon Run Olympics ay sa Disyembre 16-18 sa hindi pa batid na venue.

Sa ngayon ay bukas na ang pagpaparehistro sa halagang P200,000 para sa Olympics entry fee habang may 10 koponan na ang nakapagpalista para sa premyong P10-M para sa grand champion sa Olympics habang P3-M sa national finals.

Ang TOPS talakayan ay suportado ng PSC,Pagcor at GAB.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">