Advertisers

Advertisers

“Anumang tigas ng bulalo, lalambot din ‘yan” – Isko

0 298

Advertisers

“ANUMANG tigas ng bulalo, lalambot din yan.”

Ito ang paniniwala sa buhay ni Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing nanatili siyang naka-focus sa pagtugon sa lahat ng mga Pinoy na mabigyan ng benepisyo na katulad ng benepisyong tinatamasa ng mga taga-Maynila sa kasalukuyan.

Sinabi rin ni Moreno na hindi siya madidiskaril ng mga tinatawag na surveys dahil ang kanyang sukatan ay ang reaksyon ng tao at ang mainit na pagsalubong ng mga ito saan man siya magtungo.



“Never ako kinakabahan tsaka di ko masyado iniintindi ang mga ‘yan. At some point, siyempre, anumang tigas ng bulalo ay lalambot din ‘yan,” sabi ni Moreno na patungkol sa kanyang paniniwala na ang mga supporters ng ibang kandidato ay lilipat din sa kanya.

Idinagdag pa niya na: “At the end of the day, laging nasa dulo ang vindication. Dun nagkakaalaman kaya mahaba ang pasensiya ko.”

Sinabi ni Moreno na wala siyang dapat ikatalo sa pag-aalok sa mga Pinoy ng uri ng serbisyong base sa kongkretong katotohanan na nagawa na niya ang lahat ng ito sa Maynila.

Ito ang kanyang binigyang diin kung saan kabilang din dito ang ang pagtatayo ng state-of-the-art hospitals, schools at mass housing.

Sa usapin naman ng pandemic, sinabi ni Moreno na ang lungsod ng Maynila ay nagpatupad na ng social amelioration program na nagkakaloob ng buwanang cash na ayuda sa mga senior citizens, solo parents, university students at persons with disabilities.



Ito ay bukod pa sa pagtatayo ng COVID-19 Field Hospital na nagkakaloob ng libreng gamutan sa Manilans at non-Manilans at ang pagbili ng mamamahaling life-saving medicines kontra COVID-19 na ibinibigay din ng pamahalaang lungsod ng libre sa mga taga-lungsod at maging sa hindi taga-lungsod.

Sa loob din ng anim na sunod na buwan, ang pamahalaang lungsod ay namahagi ng food boxes sa may 700,000 pamilya na nakatira sa Maynila bilang bahagi ng food security program. Ang programa ay muling binuhay para sa dalawang buwan ng Marso at Abril. (ANDI GARCIA)