Advertisers

Advertisers

Brgy. election, dapat kanselahin – Yorme Isko

0 343

Advertisers

Iginiit ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko Presidential candidate Isko Moreno Domagoso na mas may mahalagang bagay keysa sa eleksyon.

Ito aniya ang ayuda sa taumbayan at sinabing ang perang gagastosin sana para sa Barangay elections maaring magamit muna tulad nang sa fertilizer para makatulong sa magsasaka.

Ginawa ni Moreno ang pahayag kasabay ng pagpupulong ng mga barangay chairman sa Maynila ngayong araw kung saan tinanong ito ng media sa kanyang pagbisita sa Sta.Ines, Cabiao, Nueva Ecija kung pabor itong ipagpatuloy ang barangay elections sa Disyembre 5,2022 .



Ayon kay Moreno kung siya ay mauupong pangulo ay gagamitin niya ang pera sa barangay election sa kapakinabangan ng mga tao at umaasa siya na pansamantalang makansela ang nasabing halalan.

Samantala, sinabi naman ng kanyang running mate na si Vice Presidential bet Doc.Willie Ong na dapat paghandaan ng gobyerno ang posibleng epekto ng nuclear war sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Sa kanilang townhall meeting sa mga mamamayan ng Cabiao, sinabi ni Ong na ang ibang bansa ay handa na sa banta ng nuclear.

Meron na aniya ang ibang bansa na fall out shelter o basement habang ang pilipinas wala ni isa sa mga ito dahilan kaya posibleng milyong pilipino ang pwedeng mamatay dahil sa radiation poisoning.

Paliwanag pa ni ong na kailangan ang nasabing paghahanda lalo na ngayon na hawak na ng russia ang nuclear power plant sa chernobyl.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">