Advertisers

Advertisers

Isko pabor sa pagpapaliban ng December 2022 barangay, SK elections

0 361

Advertisers

PABOR si Aksiyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na ipagpaliban muna ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang idaos sa Disyembre 5, 2022.

Sa isang panayam sa Cabiao, Nueva Ecija, nitong Huwebes, sinabi ni Moreno na ang ?8 bilyong pondo para sa naturang halalan ay maaaring i- repurpose upang makatulong sa mga Pinoy na apektado ng patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

“Huwag na munang ituloy yung barangay elections this year. Kakatapos lang ng national elections sa May. Tapos another election for barangay officials in December. Better to use the allocated money for ayuda and other urgent needs of the people in these difficult times,” ayon pa sa alkalde.



“As I have said, maghahanap tayo ng paraan kung paano maitatawid ang taumbayan. And one of those is money or resources. So, kung ako ang tatanungin, extend muna natin yoong barangay election by another year, or a year and a half, nang yung perang gagamitin natin sa eleksyon, magamit natin para ipang-ayuda sa tao, katulad nung gasolina, or ipang-ayuda sa pagkain, or ipambili natin ng fertilizer at ipamahagi sa magsasaka,” dagdag pa niya.

“So, yung perang gagamitin sa eleksyon para sa barangay, I’d rather spend it na pakinabanagn muna ng tao at maitawid natin sila. Kaya yung barangay election, hopefully, ma-cancel muna, extend muna natin ng about a year or about a year and a half,” aniya pa.

Kasunod nito, hinikayat rin naman ng alkalde ang mga economic managers ng pamahalaan na humanap ng mga pamamaraan upang matulungan ang mga mamamayan, sa gitna ng krisis pang-ekonomiya na dulot ng gusot sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine.

Noong 2019, una nang nilagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 o ang pagpapaliban ng May 2020 barangay and SK elections sa Disyembre, 2022. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">