Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DREAM come true para kay Bela Padilla na maging isang direktor at sa latest na film project nito ay isa na siyang direktor.
Kung dati at until now ay may nabubulyawan at namumura ng direktor, naranasan na kaya ni Bela ang ganitong sitwasyon?
Natandaan niya noon ay tila nasigawan na siya as in bagung bago pa lang daw siya.
Pero kay Bela as direktor ay ‘di naman niya i-aapply ang mga ganitong sigawan at murahan sa kanyang set.
As in smooth work lang at hirap naman daw mag-work nun kung ang direktor ay laging nakasigaw.
Mawawala naman kasi ang confidence sa sarili at pagiging creative ng mga taong nabulyawan ng direktor.
Saka tense na si Bela sa mga direktor na palasigaw at palamura
Sa pagiging direktor ngayon ni Bela ay never naman daw niya i-adopt ang mga sigaw at mura ng direktor dahil di nito carry.
Puwede naman daw sumigaw si Bela at talagang sisigaw siya sa set ng ‘Cut!’
Artista rin naman si Bela sa project na kanyang ididirek kasama sina JC Santos at Zanjoe Marudo.
***
PAGHAHANDA na ba ni Alden Richards na pagandahin ang kanyang body para sa nalalapit na lock in taping nito kay Bea Alonzo?
Sa mga hunk body ni Alden na naka-post sa kanyang socmed ay napahanga naman si Maja Salvador.
Hanga lang ba o natakam sa body ni Alden, sitsit ng atribidang netizen.
As in humanga lang si Maja sa hunky body ni Alden.
At inamin ng DQ or Dancing Queen na talagang na-amaze ito sa sexy body ng aktor.
Kaya di nito napigil na mapa-heart at mapa- like nang bonggang bongga sa yummy body ni Alden.
Secret naman ni Alden na everyday workout at lifestyle diet ang sekreto niya.
‘Yan daw ang kumbinasyon na ginagawa ni Alden kaya naman ganun kaganda ang body nito.
Well, well, well…’Yun na!