Advertisers

Advertisers

SAMBO SPORT SASAMBOT NG ATENSIYON INTERNATIONAL SA PILIPINAS

0 349

Advertisers

MAGDARAOS ng isang malaking international competition ang Pilipinas Sambo Federation Inc. (PSFi) sa darating na Oktubre sa bansa bilang pamamaraan upang palawigin at itaguyod ang kaalaman ng mga Filipino sa pampalakasan, gayundin ang pagpapalabas ng ikalawang libro nitong Fitness Sambo Guide Book nung isang buwan sa Davao City.

Aanyayahan ng pamunuan ng local Sambo federation ang mga international Samboist mula France, US, The Netherlands, Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand at iba pang mga bansang nasasakupan ng kanilang international federation na lumahok sa kauna-unahang hosting ng bansa, bukod sa nagdaang 2019 Southeast Asian Games sa bansa, kung saan nagwagi ng 2 golds, 1 silver at 3 bronze medals ang Sambo national team.

“Kung sino ang interested na sumali, we will send invitations by the month of October. Mag-invite tayo sa abot ng makakayang makasali. kase sila rin sabik na silang lumaro, [mostly] gusto ng mga European yung mga beach natin,” pahayag ni PSFi President Paolo Tancontian, kahapon ng umaga sa lingguhang virtual forum session na TOPS Usapang Sports via Zoom.



Napipisil nilang ganapin ang international tourney sa San Andres Sports Complex Gymnasium na bukas para sa 35 club members sa bansa sa suporta ng City of Manila at PBA Party Lists ni Atty. Migs Nograles at bagong talagang chairman ng Civil Service Commission (CSC) Karlo Nograles, na siya ring chairman ng PSFi.

“Definitely magho-host tayo this year basta tuloy-tuloy lang tayo na medyo maluwag na. We’re definitely push this hosting lalo na itong mga bata na gustong-gusto ng maglaro at mag-compete. This will be our first project na tutukan ngayong taon,” wika ng dating SEA Games judo medalist at national team member sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR, kung saan pinaghahandaan rin ng national team ang Paris Sambo Grand Prix Tournament sa Mayo, Open Asian Sambo Cup sa Indonesia sa Hulyo, Asian Sambo Championship sa Lebanon sa Agosto Asian Indoor Martial Arts Games sa Nobyembre at 32nd SEA Games sa Cambodia sa 2023 kung saka-sakali.

Ilan sa mga inaasahang sasabak sa mga international tournaments ay sina 5-time World Sambo bronze medalist at 2019 Asian Championship titlist Sydney Sy Tancontian, SEA Games gold medalists Chino Sy Tancontian at biennial meet champion at UFC fighter Mark Striegl.

Parte rin ng kanilang pamamaraan na maipakilala ang sports sa mga Pinoy ay ang ginanap na Book Launching nung isang buwan sa Mixed Temptation Chinese Restaurant, ng kanilang ikalawang libro na naglalaman ng mga kaalaman, techniques, exercises at lahat ng kailangang matutunan patungkol sa Sambo upang mas mapalapit pa sa mga kabataan sa iba’t ibang komunidad higit na sa mga eskwelahan at unibersidad sa buong bansa.

“We want to propagate and develop our sports and programs to different sectors, schools and other areas in the country para naman maging continuous ang ating mga programa at makapaghikayat pa kami ng mas maraming matuto at sumali sa aming sports,” paliwanag ni Tancontian, kung saan nakakasama niya sa naturang event ang mga opisyale ng Department of Education, schools at colleges, sports enthusiast, athlete’s at coaches.



Sinabi rin ng many-time national Judo champion na kabilang rin sa mga pamamaraan nila upang mas mapalaki pa ang kanilang grassroots program sa panahon ng nararanasang coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ang pagpapakalat ng mga libro hinggil sa Sambo na may kalakip na USB device kung saan mapapanood ang mga workouts at trainings patungkol sa kanilang sport na magagawa sa loob ng kanilang mga pamamahay.(Danny Simon)