Advertisers

Advertisers

Sino nga ba talaga si Rose Nono Lin?

0 948

Advertisers

MATUTURING isang malaking anomalya etong si Rose Nono Lin na sangkot sa Multi- Billion Pharmally scam at inimbestigahan ng Senado! Pag sinuri mong mabuti, wala etong nakaraan na mailahad. Puro kwento lang ang pumapaligid sa pagkatao nito.

Si Rose Lin ay tumatakbo para maging kongresista sa Novaliches area District 5 ng Quezon City. Biglaan nalang eto naglabas ng mga poster na nagpapakilalang “Ate Rose”. Nag ikot at nagpapakilala sa mga residenteng nagtataka…sa bigla nalang lumitaw na parang kabute, at nangangampanya na sabay pamudmod ng pera matapos mag file ng COC.

Nang inumpisahan ng Senado ang imbestigasyon sa Pharmally, naimbitahan eto, dahil mataas na opisyal siya sa halos lahat ng kumpanya ni Michael Yang. Naging mailap at lumabas lang ng ipa aaresto na. Iiwas ka ba kung wala kang kasalanan? Sa Senado natalupan ang tunay niyang pagkatao!



Unang una, asawa siya ni Lin Weixiong, isang tsino na ayon sa intel report ni Acierto ay isang drug lord at miyembro ng sindikato. Pangalawa, palipat lipat eto ng bahay na matatagpuan sa Makati. Ayon sa LRA, 37 ang properties na nakapangalan kay Rose Lin at kasalukuyang sa Forbes Park eto nakatira. Pangatlo, meron siyang Magic Garahe kung saan mga mamahaling kotse ang lumilitaw at bigla niyang nakikita pag gising. Ang excuse, nabili bago mag pandemya, pero bago at 2020 ang modelo! Pang apat, hindi daw magka ugnay and Pharmally Biological at Pharmally Pharmaceutical! Pero sa SEC
rehistro, and dalawang kumpanya ay konektado pareho kay Huang Tzu Yen-ang may ari ng Pharmally International na wanted sa Taiwan. Lahat eto mariin niyang pinapabulaanan at nag mistulang Denial Queen. Pero ng matunugan ni Rose Lin na ilalabas na ng Senado ang Malinaw na koneksyon niya sa Pharmally Pharmaceutical galing sa imbestigasyon ng BIR, mistula etong umiwas sa hearings. Bakit? Ang asawa niya pala na si Lin Weixiong ang FINANCIAL MANAGER ng Pharmally Pharmaceutical mismo! Taga hawak ng pera ng kumpanya ayon kay Dargani at Huang na nag kumpirma nito! Ayun, kaya nawala parang bula!

Hindi naman pwedeng hindi alam ni Rose Lin ang mga ginagawa ng asawa niya. Tandaan sa ating batas conjugal lahat ng pag aari ng mag asawa.

Ngayon bago pa man mag umpisa ang eleksyon sa local level, mistulang vote buying na ang ginagawa! 1000 kada tao para mag attend ng assembly niya. 500 weekly gas allowance sa mga Tricycle drivers at 3000 pesos para sa mga scholarship na pinapangako niya! Sumabit pa eto kay BBM at kay Sara na siya ang kandidato nila. Natanggal eto sa Partidong Lakas dahil kay Esplana. Yun pala, iba ang pato ng Uniteam sa lugar. Eto ang mga tahasang gimik nito bago pa ang opisyal na kampanya.

Patong-patong na reklamo ang hinaharap ni Rose Nono Lin sa COMELEC, BIR, AMLC at kamakailan lang sa Ombudsman para sa Plunder o malawakang pandarambong. Natalo pa nito si Napoles! At malamang magiging best friend niya eto sa kulungan kung ibabase na rin sa mga pahayag ng mga Presidentiables at ni Pangulong Duterte patungkol sa Pharmally!

Maging masuri sa pipiliin na kandidto! Ika nga ng isang manunulat din, kaduda duda ang pagkatao ni Rose Lin at mistulang papet lang ng dayuhan. Binansagan pa ng isang Senator si Rose Nono Lin na isang sinungaling!



Para sa mga Ka Usapang HAUZ, ano ang punto dito? Dapat suriin mabuti ang kandidato! Ano ang nakaraan nito! Sino ang mga kasama nito! Saan galing ang perang pinamumudmod at tahasang pinambibili ng boto? At ano ang pakay nito na mag atim ng posisyon? Sa kaso nitong si Rose Nono Lin, malinaw pa sa araw ang warning: VOTERS BEWARE.

***

Para sa Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036