Advertisers

Advertisers

Sistema ng partylist sinasamantala na

0 446

Advertisers

KAPANSIN-PANSIN ang mga tumatakbong kandidato para sa sistema ng ating party-list, na ang talaga namang layunin ng sistemang Ito ay upang magkaroon ng kinatawan ang mga mahihirap at napagsasamantalahang sektor ng lipunan.

At kung ating bubusisiin ang listahan ng mga kandidato para sa sistemang ito, sandamakmak na mayayaman, makapangyarihan at tradisyunal na pulitiko na ang nagsisipag-takbuhan bilang kandidato para dito.

Sa pag-aaral na ginawa ng poll watchdog na Kontra Daya, lumalabas na pitumpung porsiyento (70%) ng mga kandidato sa pagka-partylist representataives ay kinokorner na rin at ginagawa pang paraan ng pagpapalawig ng kapangyarihan ng mga mayayamang angkan sa ating lipunan.



Sa pag-aaral na ito ng Kontra Daya lumalabas din na 120 sa 177 na party-list groups ay galing sa malalaki at mayayamang pamilya o kaya naman ay malalaking negosyo, may mga koneksiyon sa gobyerno at militar na wala namang isinusulong na adbokasiya o nirerepresentang mahihirap na sektor ng lipunan.

Ang iba pa nga raw sa mga kumakandidato para maging party-list congressman ay may mga kaso pang kinakaharap hinggil sa korupsiyon. At base na rin sa pag-aaral, mas dumami pa nga raw ang bilang, kumpara noong 2019 elections, na 62 lang sa 134 na party-list group ay mga mayayaman o makapangyarihan na kumakandidato.

1995 nang ipasa ang Republic Act 7941 o Party-list System Act, kung saan binibigyan ng 20% na pwesto sa Kongreso ang mga “marginalized and underrepresented sectors”, gaya ng manggagawa, mangingisda, indigenous people, urban poor, kababaihan, kabataan, OFW at mga professionals.

Alam naman natin na madali tumakbo at manalo ang mga mapera at impluwensyal na kandidato dito sa atin, kaya napag-iiwanan at hindi nabibigyan ng pagkakataong makaupo sa gobyerno ang mga talagang dapat kumakatawan sa sektor na mga agrabiyado sa bansa.

At ayon pa rin sa pag-aaral ng Kontra Daya, 44 sa mga party-list groups sa halalan 2022 ay “kontrolado” ng political clans habang nasa 21 naman ang may kuneksyon sa mga dambuhalang negosyo.



34 sa mga Ito ay wala naman talagang isinusulong na adbokasiya at grupo o sektor na kinakatawan. 32 naman ang may mga koneksiyon sa pamahalaan o sa militar, at 26 ay kinabibilangan ng mga ‘incumbent local officials’ na tumatakbong party-list nominees at 19 naman ang may mga hinaharap na kaso ng katiwalian.

Tila nasasamantala na ang party-list system natin. Dahil sa limang kategoryang nakikita ng grupong Kontra sa Daya sa RA 7941 (political clan, big business, unknown advocacies, government connections, incumbent officials bilang nominado, pending cases), ilang party-list groups ang papasok sa hanggang tatlong kategorya.

Kailangan na sigurong kumilos ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nadiskubre ng Kontra Daya sa pag-aaral na ginawa into.