Advertisers
NAKAKABILIB si Doc Willie Ong, kandidatong bise presidente ng Aksyon Demokratiko na kahit na nasaktan ng ibang tao, iba ang gustong bise presidente.
Naiintindihan naman niya kung ayaw sa kanya ng iba, basta ako aniya, “wala akong complain, go lang, tuloy lang sa pagkampanya,” sabi ni Doc Willie sa media nitong Friday, Marso 11 sa Harvest Hotel, Cabanatuan, Nueva Ecija.
Napakaginoo ng doktor na ito – na sa paniwala ng kanyang mga tagasubaybay sa youtube/vlog, ay magiging napakahusay na bise presidente kung mananalo.
Kung maipupuwesto, tamang-tama kay Doc Willie ang maging Health Secretary kasi isa siyang practicing cardilogist at internist, at tunay na mababa ang loob at makamahirap.
Si Doc Willie ang adviser ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa health issues ng Maynila kaya ang bilis-kilos na sagot sa pandemyang COVID-19 ang nagligtas ng maraming buhay ng maraming Manilenyo at taga-ibang lugar.
Ang masaya, kahit na may ibang grupo o asosasyon na iba ang itinutulak na kandidato, matatag ang sabi ni Yorme Isko: Tanging si Doc Willie ang kanyang kapartner, wala nang iba.
“Wala kaming iwanan, hanggang sa uli, hanggang sa dulo ng eleksyon, buo ang Team Isko-Doc Willie,” dagdag pa ni Doc Willie.
Sabi pa ni Doc Willie, iginagalang niya ang pasiya ng tao at kung ano ang nasa puso, nasa isip na ibotong bise presidente, “iginagalang ko po, wala pong sama ng loob … basta ang mahalaga, mahal natin ang Pilipino.”
Kaya marami ang nagmamahal kay Doc Willie, kasi iba siya: mapagmalasakit, mapagkalinga, tunay na doktor ng bayang Pilipino.