Advertisers

Advertisers

First TVC ni Mommy Pinty with Alex pinuri; JC Garcia balik-Pinas na, Cover pa sa glossy mag sa Amerika

0 415

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

YES, maraming netizens ang nagandahan sa first TV commercial ng famous Mom sa showbiz at ngayo’y vlogger na rin na si Mommy Pinty Gonzaga.
Kasama ni Mommy Pinty sa kanyang TVC ang Youtube Superstar daughter na si Alex Gonzaga para sa brand ng ginisa mix na Silver Swan Wow Sarap. Yes, bukod sa marami nga ang nagandahan sa naturang commercial ng mother and daughter ay hinangaan pa ang mahusay na portrayal ni Mommy Pinty bilang Fairy Godmother ni Alex sa pagluluto.
And fabulous ang mga papuring ito kay Mommy Pinty ay galing pa sa mga kilalang celebrities tulad ni Mariel Padilla (may applause emoji para kay Mommy Pinty), Liz Uy, Dianne Medina, etc.
Maraming netizens din ang nag-like at nag-comment dito at as of March 10 ay umabot na sa 259,439 views ito sa Instagram account ni Alex na Cathygonzaga.
Samantala, maging sa Dubai Expo 2020 nang mag-perform doon sina Alex at Toni Gonzaga ay marami na ring fans si Mommy Pinty at husband nitong si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na kasama niya sa Vlog at Youtube Channel nilang Bonoy & Pinty Gonzaga at more than 1M na ka-maintenance nila ang nag-subscribe na sa kanilang channel.
***
HALOS fully booked na pala ang schedule ni JC Garcia sa mga gagawing concert sa US this year. After ng very successful na pre-Valentine Concert ni JC with Bff and co-recording artist na si Ms. Yolanda Siracusa sa sosyal na venue ng Fort Mckinley ay maraming naka-line-up na shows si JC na ilan dito ay ka-join pa rin ng international singer na si Yolanda at iba pang kilalang concert performers sa San Francisco, California.
Samantala, bago magbakasyon sa Pinas ay si JC ang nasa cover ng March issue ng well-circulated na Glossy Mag sa Amerika na Fashion Magazine. Well, may “K” o karapatan naman si JC para maging cover sa said magazine dahil kilala siyang fashionista na puro branded clothes ang mga sinusuot sa mga special event na dinadaluhan at sa kanyang mga konsiyerto.
Ngayong March 14 ay nasa bansa na si JC na kilala ring online TV host.
***
Singer From US Na Si Lei Yadao, Mga Magulang At Fans Ang Inspirasyon Sa Pagkanta Ng Mga Cover Songs
ISANG certified versatile singer itong artist from United States na si Lei Yadao.
Yes, ang kanta ng mga sikat na male and female foreign and local singers ay kayang-kaya nitong gawan ng cover songs. Itong magpe-premiere pa lang this March 13 na naka-plug sa official Youtube channel ng nasabing singer na si Lei Yadao ay kakantahin nito ang remix songs ng Ama ng Musika na si Kaka Freddie Aguilar.
Sa March 17 naman ay iparirinig ni Ms. Lei ang favorite songs na mga LDR (long distance relatioship) at Remix cover pa rin kaya abangan ito ng mga may dyowa sa ibang bansa.
And para sa mga fans and supporters ng said Diva (Lei) ay pwede niyo na rin siyang mapanood sa kanyang Livestream na kinakanta niya ang mga request ng kanyang viewers. Well, maliban sa kanyang mga tagahanga ay ang both beloved parents na sina sina Mr. and Mrs. Virginia and Salvador Yadao ang nagsisilbing inspirasyon ni Ms. Lei upang lalo pang i-level up ang kanyang pagiging singer na dream din na magkaroon ng sariling CD Album in the future.
At sigurado full support dito ang kanyang mga magulang na kakabalik lang ng Amerika galing sa bakasyon dito sa Pinas.