Advertisers

Advertisers

Juday, Angel at Sofia pawang tumanggap ng regalo sa kaibigang si Marian

0 470

Advertisers

Ni JOVY LLOZA

UNTIL now ay ‘di pa rin masasabing Kapuso si John Lloyd Cruz dahil wala pa itong pinipirmahan na exclusive contract sa GMA-7.
Although may sitcom ito sa Kapuso, ang HappyTogether na hataw sa rating. At dahil dun ay baka magkaroon ng season 2 ang sitcom ni Lloydie.
Kasalukuyang nasa pangangalaga si John Lloyd ng Crown Artist nina Maja Salvador at Rambo Nunez.
Ang sitcom nito na HappyTogether eh line produced ni Bobot Mortiz. Bahagya ngang bumaba ang rating ng HappyTogether na okey na pumalo sa 12.6%.
Sa kabila noon ay inaasahan na matutuloy ang season 2 ng sitcom ni Lloydie.
Paano nga naman daw pipirma ito ng exclusive contract sa GMA-7 eh nasa pangangalaga siya ng Crown Artist.
Pero may kinakasang project ang GMA-7 kina Lloydie at Jasmine Curtis-Smith.
Posible na maging certified Kapuso si John Lloyd kung wala na ito sa poder ng production nina Maja at Rambo.
***
HINDI pa rin nawawala kay Marian Rivera ang pagiging thoughtful sa mga kaibigan.
Isa-isa niya binigyan ng regalo ang tatlong celebrity friends nito na sina Angel Locsin, Judy Ann Santos at Sofia Andres.
Ipinost ni Angel ang bigay na bouquet na galing mismo sa flower shop ni Marian.
Pinasalamatan naman ni Angel si Marian.
Nag-post din si Juday ng pasasalamat kay Marian sa bigay nitong gift.
‘Maraming salamat ganda!’ sey pa ni Juday.
Hindi rin nagpahuli ang isa pang kaibigan na naabutan din ng regalo ni Marian na si Sofia.
Sa post ni Sofia ay ibinandera nito ang gift na pillow at pinasalamatan nang bonggang-bongga ang esmi ni Dingdong Dantes.
Isa nga sa katangian ni Marian nga raw na always na nakakaalala sa kanyang mga kaibigan may okasyon man o wala.
Well, well, well…’Yun na!