Advertisers

Advertisers

Matamlay ang kampanya ni BBM

0 677

Advertisers

MARAMI ang nagulantang at hindi makapaniwala sa aming kolum noong Martes. Walang pera na pangkampanya si BBM? Paano nangyari iyon? Hindi ba marami ang dinambong ng kanyang diktador na ama noong panahon ng diktadurya? Nasaan ang mga iyon?

Kung totoong malakas si BBM batay sa resulta ng ilang survey na hindi namin maintindihan ang sistema ng pangangalap ng mga datos, bakit matamlay ang kanyang kampanya? Bakit mistulang lamay sa patay ang kanyang mga rali at pagtitipon? Bakit kulang na kulang sa enerhiya ang mga dumadalo? Bakit hindi sila makahakot ng maraming tao sa kanilang mga rali?

Tanong ng mga netizen iyan. Tinatanong din namin ang mga iyon.



Ibinatay ang kandidatura at kampanya ni BBM sa pananaw na maraming salapi na nakatago na ipamumudmod sa mga lider at botante. Sapagkat hindi nakuha ng naghahabol na gobyerno ang lahat ng salaping ninakaw ng kanyang ama at mukhang naipamana ang malaking bahagi ng ulyaning ina na si Imelda, nangahas na tumakbo si BBM.

Gayunpaman, matamlay ang kanyang mga rali. Kakalog-kalog ang mga lugar na pinagdausan ng kanyang rali. Hindi sila makahakot ng marami kahit bayaran pa nila ang mga dadalo. Hindi sila maka-arkila ng mga aircon na bus para sakyan ng kanilang “hakot crowd.” Marami ang nagwika na hindi sapat ang halaga ng ibinigay ng mga campaign organizer ni BBM.

May mga nagbulong na kahit ang mga campaign organizer at worker ay hindi nababayaran ng sapat. Marami ang nasuba sa kanilang pagtatrabaho kay BBM. May mga nagsabi na “out” na muna sila sa kampanya – ang ibig sabihin ay umalis na sila. Kahit ang mga service provider ay pawang naghihintay ng bayad.

Hindi dumarating ang mga political contribution. Nang nakita ng mga donor na hindi umangat ang kampanya ni BBM, marami ang tinabangan at hindi nagbigay. “Hold muna,” anila. Kasabay ng pagtanggi nilang magbigay ang pag-angat ng kandidatura ni Leni Robredo. Nagulat sila sa dami ng mga dumalo sa mga rali ng tambalang Leni-Kiko. Walang hakot, walang binayaran. Kusang loob ng mga tao ang sumama.

Mukhang hindi nagbigay ang apat na pamilyang pulitikal na sumusuporta sa kandidatura ni BBM – Arroyo, Villar, Estrada, at Duterte. Mukhang pinabayaan na si BBM sa paniwalang may dudukutin ang kanyang kampo mula sa kinulimbat na yaman ng kanyang ama.



Hindi nagbigay ang malaking negosyo sapagkat dumapa ang mga negosyante sa panahon ng pandemya. Walang dumating sa mga kroni ng kanyang ama sapagkat patay na karamihan sa kanila. Tanging si Lucio Tan ang buhay at nakaratay dahil sa katandaan.

Hindi gumagalaw ang China sapagkat minamatyagan ng Estados Unidos ang galaw ng Peking sa ating pulitika. Mukhang hindi magbibigay ang mga Intsik kahit barya dahil alam nila na gagalaw ang Washington upang tapatan sila.

***

MAY natanggap kaming kalatas tungkol sa pusta ni dating Senadora Nikki Coseteng kay arturo Tugade ng DoTr. Patunayan niya na maayos ang sistema ng transportasyon sa bansa at mananalo si Tugade ng P2 milyon. Hinamon ni Nikki si Tugade na magkita sa isang fast food joint sa tapat ng Monumento ni Bonifacio sa Caloocan City at subukan pumunta na magkasama sakay ng pampublikong sasakyan sa Bocaue, Bulacan. Hindi namin alam kung natuloy ang pustahan. Narito ang press release ni Nikki.

P2-M BET AGAINST TUGADE STANDS, NIKKI SAYS

Former Sen. Nikki Coseteng today said her bet of P2 million against Transportation Secretary Arturo Tugade and other Department of Transportation officials stays, even as she urged them to go for an ocular inspection to observe the travel difficulties to get provincial buses on their way to their destinations.

Coseteng challenged Tugade and other DoTR officials to meet her tomorrow (Friday) at 10 am in a rendezvous at the McDonald’s fast food joint in front of the Bonifacio Monument at the heart of South Caloocan City.

From the fast food joint, Coseteng said she and Tugade’s group would take public transport to go to the central bus terminal in Bocaue, Bulacan, where commuters take provincial buses to go to their hometowns. “Let’s see if they won’t find it difficult to go there.”

Three weeks ago, Coseteng hurled the P2 million bet on Tugade, whom she described to have lost his faculties and sight and hearing for his continued refusal to see and hear the commuters’ complaints of difficulties in their travel the provincial routes.

“I’m sure they will discover the difficulties that commuters face just to go to their provinces,” Coseteng said even as she lambasted what she perceived as “their arrogance of power.”

Coseteng said she could not understand why provincial buses traveling the northern routes would have to stop and use the central bus terminal in Bocaue, when they have terminal stations in Metro Manila.

The Bocaue bus terminal, which is beside the Iglesia Ni Cristo-owned Philippine Arena, does not have the facilities for passengers and tired provincial bus drivers. Besides, it is 30 kilometers away from Metro Manila and commuters find it difficult to go there.

Coseteng clarified she does not own a single provincial bus but said she was receiving many complaints from different people.

***

MGA PILING SALITA: “The ‘magic’ of Sara’s father’s victory in 2016 is not transferable to the daughter. The magic is lost. There’s none to transfer.” – PL, netizen

“BBM’s reluctance to engage in public debates is unsustainable. It won’t help his presidential bid. He’ll lose on May 9.” – PL, netizen

“Sen Ping Lacson: Sir, your intel sources are wrong, and that Ka Eric you cited is a fraud. I am inside the campaign team of VP Leni at wala akong nakikitang komunista doon. Hindi papayag si VP nyan at kami rin. Her military advisers could attest to this too. All right, Sir.” – Sonny Trillanes

“LET’S ADMIT IT. BBM political campaign is weakening. It’s losing steam. BBM’s timidity is taking its toll. Sa survey lang malakas.” – James Archie, netizen

“They are religiously observing social distancing in their rallies because every attendee is suspected of being a pickpocket.” Mashmur Sinsuat Glang,netizen