Advertisers

Advertisers

Nasa Leni-Kiko tandem na ang momentum

0 468

Advertisers

KULANG dalawang buwan nalang eleksyon na!

Sa mga isinasagawang rali ng presidential aspirants, nakita natin kung sino na ang nakalalamang sa kanila at kung sino ang maglalaban ng dikdikan sa Mayo 9, 2022.

Naging malaking tulong sa mga kandidatong ito ang mga debate na inorganisa ng malalaking media networks at religious groups. Nakita at narinig natin kung sino ang may magandang programa pangkabuhayan at pang-ekonomiya. Nakita rin natin kung sino ang nagsasabi ng totoo at mambubudol lang.



Sa mga dinaluhan kong rali, naniniwala ako sa mga sinasabi at programa ng Leni-Kiko tandem.

Nitong Huwebes lang, nagulat ako sa pagsulpot nina Leni at Kiko sa liblib na sitio sa Looc, Tablas island, Romblon para kausapin ang grupo ng mangingisda.

Mantakin mo, mga pare’t mare, Bise Presidente na kandidatong Presidente at Senador na kandidatong Bise Presidente walang kahangin-hangin na magsadya sa tabi ng dagat, ilalim ng niyugan, para kausapin ang mga mangingisda. Mangiyak-ngiyak at nanginginig nga ang boses at mga kamay ng opisyal ng grupo nang makamayan at makausap ng harapan ang dalawang mataas na opisyal ng bansa. Ngayon lang daw sila nakaharap at naka-kausap ng mataas na opisyal ng gobiernong nasyunal na nagsadya pa mismo sa kanilang lugar. Ang galing!

Bago iyon, unang pinuntahan nina VP Leni at Sen. Kiko ang learning hub na pinagawa ng Office of the Vice President sa Tugdan, Alcantara, more or less 30 kilometers mula sa bayan ng Looc. Grabe ang init ng pagtanggap ng mga tao rito sa tandem nina Leni at Kiko.

Lalong namangha ang lahat nang sa People’s rally sa bayan ng Odiongan ay higit 10,000 ang dumalo, mga nakasuot ng pink! Wow!!!



Sa isang lalawigan tulad ng Romblon na mayroong siyam magkakalayong isla at nasa 200K plus ang registerted voters, naging posible ang imposibleng makaipon ng ganito karaming tao lalo’t numero unong problema rito ang transportasyon.

Kaya sa bilang na higit 10K na dumalo sa Leni-Kiko People’s rally, naniniwala ako na landslide ang tandem na ito sa Romblon.

Karamihan ng organizers ng Leni-Kiko tandem ay kabataan, mga hindi nakokorap.

Pero tingnan naman natin ang nakatakdang pagbisita sa Romblon ng mga katunggali sa eleksyon ni Leni na sina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Manila Mayor Isko Moreno sa mga susunod na linggo.

Bago ang hindi mahulugang karayom na People’s rally ng Leni-Kiko sa Odiongan, grabe rin ang crowd na nakita sa Iloilo City, milyon! Sumunod ang Cavite, halos 50K ang nagsiksikan sa Sports Plaza ng General Trias City; sa Bulacan, halos 45K plus; sa Surigao, nagkulay pink ang malawak na plaza; sa Bacolod City, araguy!!! Punung puno ng tao ang venue.

Sa nalalabing kulang 60 days ng kampanya bago ang halalan, masasabi nating nasa Leni-Kiko na ang momentum. Mismo!

Paano naman kasing hindi ka bibilib sa tandem na ito, ang kanilang mga sinasabi sa publiko ay may resibo, may patunay na sila’y matitinong public servants. May patunay kung anu-ano na ang kanilang nagawa sa kanilang panunungkulan. Kaya talagang maniniwala ka sa kanilang mga ipinapangakong gagawin kapag sila’y nahalal sa pagka-pangulo at ikalawang pangulo.

Say nyo, repapips?