Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGING maingay ang isyung hiwalayang Diego Loyzaga at Barbie Imperial, to the point na nagbitiw pa ng salita si Barbie sa isang panayam na never daw siyang nakikipagbalikan sa mga ex-boypren niya. Samantalang si Diego ay panay pahapyaw lang ang sinasabi hinggil sa isyu nila ng dating gf. Ngayon na may bagong movie na ipinalalabas ngayon via Vivamax app si Diego, ang “Adarna Gang”, istorya ng paghihiganti ng isang babaeng inapi.
Hindi maiwasan ni Diego na sagutin ang katanungan hinggil sa kumakalat na larawan nilang dalawa ni Barbie na tila seryosong nag-uusap sa isang resto. Marami tuloy ang nagsabing malamang ay nagkabalikan na ang dalawa at naayos na nila ang gusot na pinagdaanan.
Sa panayam kay Diego, tila mas lumalabas na ang muling pag-uusap nila ni Barbie after the break up ay isang opisyal na closure sa kanilang dating relasyon at tinuring na nilang friend ang bawat isa.
“We’re good, we talk,” say ni Diego.
Gayunman ay sinabi ni Diego na walang balikan na nangyari kundi nagkaayos sila bilang mabuting magkaibigan.
“Please let’s not get to that. We are friends and that’s what matters for now. She’s in Davao now. We are good friends. There is no bitterness on my part,” dagdag na say ni Diego.
Sa ngayon ay naka-focus si Diego sa gumagandang takbo ng kanyang showbiz career, after being paired with Coleen Garcia sa “Adarna Gang,” tuloy agad siya sa promo ng movie nila niNadine Lustre in “The Greed,” at sa paghahanda sa gagawin niyang movie with Sue Ramirez, ang “Mr. Heartless.”
***
AMINADO si Rhian Ramos na nag-level up na siya sa kanyang showbiz career dahil sa sumabak na rin siya sa daring and matured role, ito ay sa teleserye nila nina Kris Bernal, Benjamin Alves at Mark Herras, ang “Artikulo 247”.
Kakaibang Rhian ang matutunghayan ng kanyang mga supporter sa naturang serye dahil sa lumaban na rin siya nang sabayan sa mga love scene.
Sa katunayan ay hindi lang sa isang leading man siya nagkaroon ng mainit na eksena kundi sa dalawa, kina Benjamin at Victor Silayan, dating TV 5 talent.
“It’s very difficult and challenging but I learned a lot from this show. Very mature ang role ko. May love scenes ako with both Victor and Benjamin,” say ni Rhian.
Paano naman kaya niya pinaghandaan ang kanyang maiinit na eksena sa dalawang aktor? “Maingat ang staff kasi we have to gargle antiseptic mouthwash to make sure we’re safe to do kissing scenes. Okay naman, kasi lahat kami, naka-bubble, so very safe for us,” dagdag na say pa ni Rhian.
Mukhang vindicated naman si Rhian sa ginawa niyang pagsalang sa more matured role, dahil sa first week of airing palang ng kanilang “Artikulo 247” ay pumalo agad ito ng mataas na ratings.