Advertisers

Advertisers

Ruru nalungkot nang maaksidente, tigil muna ang taping ng serye

0 374

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TIGIL muna sa taping si Ruru Madrid matapos magtamo ng minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang stunt sa upcoming Kapuso adventure-action series na “Lolong.”
Sa isang panayam, ikinuwento ni Ruru na-out balance siya sa ginawa niyang stunt kaya nagka-fracture ang kanan niyang paa.
“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya,’” saad ng aktor.
“Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do’n sa sarili ko na gano’n kataas yung take off ko kaya pag-bagsak ko, unexpected na bigla kong na-twist yung right foot ko,” patuloy niya. “’Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit.”
Kaagad na inalalayan ng medical staff na nasa set ang aktor at kinalaunan ay dinala sa pinakamalapit na ospital mula sa kanilang lock-in taping location.
Sa X-ray, doon na nakita ang minor fracture sa paa ni Ruru at pinayuhan siya na magpahinga muna ng dalawa hanggang anim na linggo.
Aminado si Ruru na nalungkot siya sa nangyari dahil anim na araw na lang ay matatapos na sana nila ang kanilang lock-in taping. Nagpapasalamat siya sa mga kasamahan sa trabaho na nagpahayag ng suporta at malasakit sa kaniya.
“I’m very sad. Ayoko po kasi ng because of me, made-delay yung trabaho but hindi naman po ‘yon pinaramdam ng mga tao po dito sa set,” pahayag ni Ruru, na nangakong gagawin ang lahat para mabilis na gumaling at makabalik sa trabaho.
Kasama sa “Lolong” ang mga batikang aktor na sina Boyet De Leon at Jean Garcia, at ang 22-feet animatronic crocodile na si “Dakila.
***
MARAMI ang natutuwa sa mag-amang Melody at Florencio Reyes sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady, na ginagampanan nina Sanya Lopez at Boboy Garrovillo.
Sa First Yaya pa lang ay namatay na si Tatay Florencio, ngunit nakikita pa rin siya ng anak niyang si Melody lalo na tuwing may problema ito.
Bukod sa mga binibigay na advice ni Tatay Florencio kay Melody ay kinatutuwaan din ng mga manonood ang kanyang mga suot na damit.
Ngayon, masaya ang mga manonood ng First Lady dahil bukod sa telebisyon ay napanood nila ang tandem nina Sanya at Boboy sa pamamagitan ng isang YouTube video.
Sinayaw nina Sanya at Boboy ang orihinal na kanta ng SexBomb Girls na “Sumayaw Sumunod.”
Sulat pa ni Sanya, “Baka tatay ko ‘yan.”
Hindi lang netizens ang naaliw sa sayaw nina Sanya at Boboy dahil pati ang kanilang co-stars sa First Lady ay natuwa rin sa kanilang napanood.
Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
***
TIME out din muna ang mga kontrabida ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady na sina Jon Lucas, Samantha Lopez at Glenda Garcia sa pang-aapi kay Melody (Sanya Lopez).
Sa TikTok, pinakita nina Jon, Samantha at Glenda ang kanilang galing nang sayawin nila ang Boom Shack A Lak.
Sulat ni Jon sa caption, “Sayawan muna with Marni and Ambrocia #FirstLady.”
Sa First Lady, ginagampanan ni Jon si Titus, ang dating henchman ni Luis Prado (Gardo Versoza) na ngayon ay nagtatrabaho na para sa dating First Lady na si Allegra (Isabel Rivas).
Si Samantha naman ay ang kaibigan ni Allegra na dati ring First Lady na si Ambrocia samantalang si Glenda ay ang dating journalist na si Marnie na kakampi naman ni Ingrid (Alice Dixson).
***
NGAYONG Sabado, sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalahad ni Richo Bautista o mas kilala sa tawag na Aling Nena ang kanyang talambuhay sa fresh episode ng Magpakailanman na Walang Ganun Mars: The Richo Bautista Story tampok sina TETAY as the starring role Rico.
Kasama rin sa cast sina CLAIRE CASTRO as Dina, ANA MARIN as Nanay Marietta, MITCH VALDEZ as Mama Paquita at KIMSON TAN as Allen.
Ito ay sa direkasyon ni MONTI PARUNGAO, research ni GELOX LAUNO at panulat ni VIENUEL ELLO. Ang hashtag ng episode ay #MPKWalangGanunMars.