Advertisers

Advertisers

Sharon pumalag kay Panelo sa iligal na paggamit ng kanta bilang campaign jingle

0 513

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PUMALAG ang Megastar na si Sharon Cuneta kay Senatorial aspirant Salvador Panelo sa umano’y paggamit nito ng kanyang “Sana’y Wala Nang Wakas” na ginamit sa isang campaign sortie nang wala umanong pahintulot.
Ang gigil niya ay ipinahayag niya sa kanyang Instagram account.
“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic,” sey ni Sharon.
Ayon pa sa Megastar, papayagan lamang niyang gamitin ang kanyang mga kanta para sa tandem nina Leni at Kiko.
“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol,” paliwanag niya.
As of this writing, wala pa namang iniisyung paliwanag si Panelo sa akusasyon ng singer-actress.
Sa kaso naman ni Sharon at maging sa kampo ng mga kamag-anak ng music icon na si Willy Cruz, wala pa namang pahayag kung magsasampa sila ng kaukulang reklamo sa dating Presidential spokesman.
Si Sharon ay isang certified Leni Robredo supporter dahil ang mister niyang si Kiko Pangilinan ang running mate ng Bise Presidente.