Advertisers
KASUKA-SUKA at sadyang di katanggap-tanggap sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino na direktang bastusin ang simbahan at gawin itong venue ng political propagandas.
Entablado ng paglulubid ng kasinungalingan upang makakuha ng simpatya para sa botong pinanggigigilan.
Sobrang desperado na nga ba ang kampo ni VP Leni Robredo at kinakailangan nang bastusin ang sagradong tahanan ng Diyos.
Obvious na nakapangyari ito dahil pinagkalooban ng permiso ng liderato ng simbahang Katoliko.
Ang ganitong katinding kawalanghiyaang and “ direct disrespect” sa tahanan ng Diyos ay isang gawaing walang kapatawaran at ikinikilos lamang ng mga taong wala na sa matinong kaisipan.
Sobrang garapal at kakapalan ng mukha ang nangyaring ito na dumurog sa moralidad ng pananampalataya nating mga Katoliko.
Para gawing sentro ng punyetang pamumulitika at pangangampanya ang ang banal na altar ng isang sambahan ay napakahirap lunukin sa mga katulad nating Katoliko.
Paglapastangan ito ng mga taong “nagbabalat-kayong banal at maka-Diyos!
Ang pagbibigay ng pahintulot na makapangyari ang mga ganitong pambabataos sa tahanan ng Diyos na ginawa ng kaparian ay masasabing pagsabotahe sa bokasyon ng pagpapari at direktang pagsupil at pambabastos sa kalayaan ng bawat mga miyembro at kasapi ng Roman Catholic Church sa pagpili ng lider na mamumuno ng bansa (Right of Suffrage-Article V of the 1987 Constitution).
Nakakatakot na kayang gawin ito ng isang VP Leni Robredo na alam naman nating nasa poor 2nd & 3rd place sa presidential surveys.
This is a desperate move taken by the Leni Robredo na alam naman niyang sooner or later ay magbo-boomerang sa kanya at sa kanyang mga alipores.
May kasabihan ang mga Bisaya ng ganere ‘ sekreto bunal’ na ang pakahulugan sa Tagalog ay ‘ nasa loob ang kulo”.
Nagmamalinis ngunit ubod naman ng baho ang pagkatao!
Nag-aasal MARIA CLARA pero masahol pa sa MARIA KAPRA hehehe!
Isang maituturing na napakalaking ‘blunder” sa mga political handlers ng Pinklawan at ni Robredo ang nangyari ito sa mismong dambana ng isang bahay sambahan!
Worst, pinahintulutan ito ng mga naka-abitong mga “DEMONYO!
Lumabas tuloy ang katotohanan na mismong ang ating pambansang bayaning si JOSE RIZAL ang nagbulgar at nilabanan may lagpas isang siglo na ang nakakaraan.
Na ang simbahan noon at magpahanggang ngayon ay nagagamit ng mga bulok na prayle sa kawalanghiyaang at pagnanakaw!
“MY HOUSE SHALL BE A HOUSE OF PRAYER, BUT THEY’RE MAKING IT A DEN OF THIEVES”.—MATTEW 21:13
Mga kababayan kong Pilipino, huwag po tayong magpadala sa mga bulaang pulitiko na ikinukubli ang bulok na pagkatao sa likod ng huwad at gamit na gamit na relihiyon!
Ilagay natin sa dapat na lugar ang mga BASURA!
“Wag na po tayo mag-segregate pa, pagsamasamahin na po natin silang lahat!
Get rid of those GARBAGE this May 9, 2022
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com