Advertisers

Advertisers

AiAi delas Alas todo-deny na KakamPink

0 464

Advertisers

NA-‘pink’ news, este fake news si Comedy Concert Queen AiAi delas Alas matapos palabasin na supporter siya ni Vice President Leni Robredo.

Lumabas kasi ang picture ni Ai Ai sa social media sa hanay ng mga celebrity na nakasuot ng pink at pinalabas nga na for Leni raw.

Hindi ‘yan pinalagpas ni Ai at nag-post siya sa Instragram para itanggi ang paglilinya sa kanyang pinklawan o kakampink.



Sey ni AiAi: “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang .. huy !!!!.”

Paliwanag pa niya, kuha raw ang picture noong ginawa niya ang pelikulang “Tanging Ina Ko,” na matagal nang tapos.

“Kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan … pls hindi po ako vp LENI supporter,” sey pa ng komedyante.

Yung ibang celebrities kaya, totoo na kakampink o deadma na lang magamit sa propaganda?

Nangyari rin ito dati sa Pinoy Henyo Master na si Eat Bulaga Dabarkads Joey de Leon na na-pink este fake news din matapos i-edit ang larawan niya at palabasin na supporter ni VP Rodredo.



Nag-post tuloy si Joey ng paglilinaw na ang suporta niya ay para sa tambalang Ping Lacson at Tito Sotto o kakamPing. (BKC)