Advertisers
KUNG sa larangan ng karera, madalas na ang nauunang bumabandera ay kinakapos at naaabutan sa huling bahagi ng race kaya ang bansag sa kanila ay ‘banderang kapos’.
Malaki ang agwat pagratsada pero pagdating sa huling lap ng karera ay panalo pa sa ‘Photo Finish’ ang kalabang naghabol.
Pero kakaiba ang karera pulitikal nina BBM- Sara sa Presidential at VP race para sa Mayo 2022 national and local elections.
Pag- arangkada pa lang ng karerarahan ay umalagwa agad at pumoste na ng halos tripleng agwat ang BBM – Sara UniTeam batay na rin sa pulso ng masa sa Ibat- ibang uri ng surveys, proclamation rallies at caravans mula sa pagputok ng starting gun hanggang ngayong Ilang daang metro na lang ay itatanghal na ang bagong Presidente, Bise,Senador at Kinatawan ng Party Lists
Gayundin sa lokal na eksena mula Kongresista, Gobernador,Bise, Bokal, Mayor,Bise at Councilors kung saan ang pagharurot ng local campaign ay lalo pang mag-aangat sa agwat ng BBM – Sara Uniteam dahil sa makinarya at tiwala ng botante ng bayan.
Kitang- kita ang ebidensya, consistent ang bentahe ng tigre at agila at malamang madagdagan pa ang distansiya tungo sa hundred meter sprint ng karera.
Basta’t sa labang parehas at walang hokus pokus ng kalaban at tiyak na at ‘banderang tapos’na at ang susunod na Presidente ng Pilipinas ayon sa ating kakabsat sa Luzon,Visayas at Mindanao ay si Pangulong Ferdinand Bongbong’ Marcos Jr at ang pangalawang Pangulo ay si VP Sara Duterte.
Torete na ba ang mga kalaban?… ABANGAN!!!
Lowcut:Ito lang ang dapat tandaan ni botanteng Juan,huwag magkamaling iboto ang presidentiable na hayagang nakikipag- alyansa sa mga teroristang komunista na naghahasik ng lagim sa sambayanan mula noon hanggang ngayon higit limang dekada na ang nakaraan pati na ang pag-eendorso sa isang nakakulong dahil sa droga at Party Lists na pulahan.Lutangnang yan! Shoutout kay lady physical therapist at zumba instructress Ms Thess Delgado ng Makati. Gayundin kay Ms Maritess Tarlit Tsai – HM ng Landingin Hotel sa Tondaligan Dagupan.Check -in na Turistang Kabayan!