Advertisers
TINUTUGIS ngayon ng mga awtoridad ang “person of interest” sa pagpatay sa dating dean ng Pangasinan State University (PSU)-Infanta campus noong Martes sa Pangasinan.
Kinilala ang biktimang si Naominda Olermo, 66 anyos, ng Sitio Sawang, Infanta, Pangasinan.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) Director, Col. Richmond Tadina, natagpuan sa loob ng bahay ang bangkay ni Olermo na naliligo sa sariling dugo.
Batay sa ginawang follow-up investigation, posibleng dating alitan sa lupa ang motibo sa krimen.
Nakita rin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga bakas ng dugo na posibleng dugo ng salarin na magamit bilang ebidensya.
“Nasa 70 percent po ang chance na ma-solve na ang kaso ng pagpatay, “ ayon kay Tadina.