Advertisers

Advertisers

HALOS 9K NA KABABAIHAN SA QC TUMANGGAP NA NG “TINDAHAN NI ATE JOY”

0 562

Advertisers

AABOT sa siyam na libong (9,000) kababaihan na sa Quezon City (QC) ang nakatanggap na ng ayudang “Tindahan ni Ate Joy”, isang livelihood program ni Mayor Joy Belmonte.

Naiulat ni Belmonte nitong weekend na P10,000 halaga ng mga paninda para sa “sari-sari” store ang naipamigay na nila sa bawat isa ng kabuuang bilang 2,389 ng kababaihan mula pa noong 2013 hanggang 2021.

“For this year (2022) as of March 11, 2,295” ang nabigyan na rin, dagdag pa ng Mayora.



Ang “Tindahan ni Ate Joy” ay nakapagbibigay ng panimulang puhunan at suporta para sa mga kababaihang walang trabaho at mga ina ng tahanan na nasa bahay lamang, solo parents, people with disabilities (PWDS), mga dumanas ng karahasan at pangaabuso sa kanilang mga asawa o kapartner, at maging ang mga asawa ng mga drug dependents na ginagamot sa mga community rehabilitation centers.

Nasimulan ang programa noon pang 2013, nang Vice Mayor pa lamang si Belmonte, para makatulong sa mga kababaihang nabanggit, upang sila ay maging partner din ng QC sa pagpapaangat ng ekonomiya ng lungsod.

Sa ika-siyam na taon ng programang “Tindahan ni Ate Joy”, 4,684 na ang nabiyayaan nito.

“I will give pa 600 per district this month so aabot sa additional 3,600,” dagdag pa ni Belmonte.

Batay sa pag-aaral ng QC Anti-Poverty Task Force noong 2011, karamihan sa mga walang trabaho sa lungsod ay mga kababaihan at 78.59 percent sa mga ito ay mga nasa bahay lamang.



Malaki ang paniwala ni Belmonte na ang mga ito ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad sa pamayanan at kailangang bigyan ng oportunidad na matulungan na sumigla ang kabuhayan kasama ng mga anak para makapamuhay ng maayos.

“Ayon sa mga datos, kapag ang nanay, ang babae sa pamilya, ay kumikita rin, mas lalo siyang nirerespeto ng kanyang mga anak at asawa. Tumataas din ang dignidad sa sarili dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para sa kanyang kabuhayan”, paliwanag pa ni Belmonte.