Advertisers

Advertisers

“Iboto si Yorme, ‘wag na si Honey”

0 446

Advertisers

Politics is an addition, not subtraction, but ready to both —Anonymous

ITO ngayon ang trending sa loob at labas ng city hall dahil sa patuloy na pagkakagulo at pag-aaway di-umano ng mga supporters ni Yorme Isko Moreno at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna sanhi ng pagtanggi pa rin ni Isko na magbitiw sa puwesto bilang Alkalde ng Maynila.

Ayon sa ating insider mga katoto, tinalikuran umano ni Yorme ang promises kay Lacuna na magbibitiw siya sa puwesto kapag nagsimula na ang campaign period ng nasyonal nitong Pebrero 8.



Pero ika nga: promises are made to be broken!

***

KAYA naman nakikipag-plastikan na lang daw ang kampo ni Lacuna kay Yorme pero deep inside nanggingit sila sa galit dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang bise alkalde na nagmumukhang timawa sa kamay ni Yorme.

Bilang ganti daw ng mga supporters ni Lacuna, ibinubulong daw ng mga ito sa mga kampanya na kahit iba ang iboto presidente, basta sa Mayor si Lacuna lang! Ganti naman ng mga supporters ni Isko:

Iboto si Yorme, ‘wag na si Honey!



LITO ATIENZA AT ANG 1998 ELECTION

REWIND tayo mga katoto, noon 1998, matatandaan, tumakbo rin Presidente si Fred Lim. Nasa kanyang ikalawang termino sa pagka-Mayor si Lim nang magpasya tumakbo Pangulo sa endorso ng dating Pangulo Cory Aquino.

Sa tindi ng pressure at panawagan magbitiw dahil sa pagtakbo niya Pangulo, bumigay rin si Lim at ibinigay ang puwesto sa noo’y Vice Mayor na si Lito Atienza, Marso, 1998.

Kaya naging instant Mayor si Atienza!

***

SA natitira pa dalawang buwan sa puwesto, nagamit ni Atienza ang lahat ng resources ng city hall sa kanyang pagtakbo Alkalde.

Matitindi ang kalaban ni Atienza noon, kabilang si Congressman Jim Lopez, Congressman Amado Bagatsing at dating Senate President Ernesto Maceda, ang binansagan silang LBM candidates.

Sa huli, idiniretso ni Atienza ang LBM sa inidoro!

***

TALIWAS naman ito sa nangyayari kay Lacuna. Kapit tuko si Yorme sa puwesto. Kaya naman kinakabahan na ang kanyang mga supporters, nadedehado na kase ang kanilang amo sa labanan sa kampanya.

Ayon naman sa kampo ni Yorme, hindi ito maaring magbitiw sa pagka-Alkalde dahil kakapusin sila ng campaign funds.

Mahigpit daw kase ang pangangailangan ngayon ni Yorme!

***

SABI ng ating insider, hindi maari dahil, “gaya ng mga nasunugan sa Cavite city nitong February, may 790 famillies ang nasunugan kaya naglaan ng P8M pondo dito si Yorme o P10,000 cash bawat pamilya apektado ng sunog, mula ito sa city mayor’s fund.”

Dagdag pa ng insider, kung mag le-leave o magre-resign si Yorme wala siyang mapapagkunan badyet para maipamahagi sa kanyang kampanya dahil wala na siyang kapangyarihang makialam sa city hall.

Matalino talaga si Yorme —— sa pambubudol!

***

HISTORICALLY, ganyan talaga sa politika, walang permanenteng kaibigan o kaaway, tanging permanente o pansariling interest ang naghahari lalo na ngayong eleksyon.

Kaya ito marahil ang dahilan sa resulta na survey ng Publicus Asia, kung bakit mayroong 34% ang nanatiling undecided o wala pa rin napipisil ang Manileno na kanilang ibobotong Mayor ng Maynila.

Naku, madali lang ‘yan— SWITCH TO ALEX LOPEZ na lang kayo!

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)