Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
USAP-usapan ang pag-back out ni John Lloyd Cruz sa isang international passion project.
Sa isang panayam kasi, hindi maiwasang magpahayag ng pagkabigla ng direktor na si Khavn dela Cruz dahil sa pag-atras ni John Lloyd Cruz sa musical play na SuperMacho AntiKristo” (“SMAK”).
Nakatakda kasing gawin ng actor ang avant-garde musical para sa iconic theater Volksbühne am Rosa-Luxemburg-Platz sa Germany.
May naka-set na ring world premiere ito sa Abril 13 at susundan ng anim pang performances na tatagal hanggang Abril 28.
Noong Biyernes, Marso 11 ay nakatakdang lumipad ang aktor kasama ang crew dahil magsisimula na ang kanilang rehearsal sa Marso 14.
Last minute ay nakatanggap umano si Khavn ng email mula sa Crown Artist Management Agency ni Maja Salvador tungkol sa pag-atras ng kanilang talent sa naturang proyekto.
Ilan daw sa ibinigay na rason ng talent management agency ang nangyayaring kaguluhan sa Ukraine at Russia at ang kakulangan ng booster shot ng aktor na requirement sa entry nito sa Germany.
Paglilinaw naman ni Khavn, wala siyang sama ng loob kay Lloydie bagama’t aminado siyang na-stressed sa paghahanap ng replacement sa aktor.