Advertisers
NAGPAPANIK na ang Marcos matapos kakitaan ng pagdilim ng mga tao sa mga rali ng kanilang katunggali na si Leni Robredo.
Oo! Umulan man o umaraw, dinudumog ang rali ng Leni-Kiko tandem kahit saang lungsod o bayan sa mga probinsiya. Hindi katulad ng rali ng Bongbong-Sara na karamihan ay nakansela dahil umulan daw o nagkaroon ng biglang importanteng lakad si BBM.
Kaya sinasabihan na ni Senador Imee ang kanyang nakababatang kapatid na si Bongbong na dumalo sa mga debate para sa presidentiables, at hiniling din niya kay President Rody Duterte na iendorso na si BBM.
Simula kasi nang isnabin ni BBM ang imbitasyon sa mga debate na inorganisa ng malalaking media networks at ng religious groups ay bumaba na ito sa mga survey, habang tumaas naman ng todo ang ratings ni Leni Robredo.
Habang dinudumog, hindi mahulugan ng karayom, ang mga “People’s Rally” ng Leni-Kiko tandem, panay naman ang kansela ng mga rali ng Bongbong-Sara Uniteam dahil kesyo inulan o may biglang importanteng lakad si BBM. Pero ang totoo ay walang tao kaya ‘di tinuloy ang rali at nag-caravan nalang.
Ang pinakahuling rali ng Bongbong-Sara Uniteam na kinansela ay sa Paranaque nitong Sabado ng hapon. Inulan daw kasi. Samantalang ang rali ng Leni-Kiko sa Isabela ay tuloy kahit inulan at dinagsa pa ng napakaraming taong nagsisigawan… Nag-trending tuloy sa social media ang hashtag “Solid North No More!”
Bunga ng biglang bagsak ng rating ng Bongbong-Sara tandem, nagtalunan ang mga political butterfly tulad nina Samar Governor Ben Evardone, kanyang mayors, at Albay Congressman Joey Salceda na kamakailan lang ay puring-puri kina BBM at Sara. Hehehe…
May nakuha rin tayong info na ang gobernador ng vote-rich Laguna na si Ramil Hernandez ay lilipat narin sa Leni-Kiko, matapos mapag-alaman na halos lahat ng kanyang kamag-anak ay kakampink na. Araguy!!!
Ito pa ang masaklap. Mukhang iniendorso na ni Pangulong Rody Duterte ang kandidatura ni Leni Robredo. Inanunsyo niyang ang dapat na maging successor niya ay: “Compassionate, decisive, good judge of character, preferably a lawyer.”
Sa sampung presidentiables, si Leni Robredo lamang ang lawyer. Meaning siya ang iniendorso ni Pres. Duterte.
***
Nagpapanik narin si Manila Mayor Isko Moreno. Kulang dalawang buwan nalang kasi ay halalan na at hindi parin umaakyat ang kanyang ratings sa mga survey. Malayo parin siyang pangatlo kina Leni at Bongbong.
Kaya naman kaliwa’t kanan na ang kanyang banat kina Bongbong at Leni.
Si Senador Manny Pacquiao naman na hindi makaalis-alis sa number 5 sa surveys ay panay na ang paulan ng suntok kay Marcos.
Gayundin ang ginagawa ni Senador Ping Lacson, panay narin ang bira kina Leni at Bongbong.
Samantalang si Leni Robredo ang laging isinisigaw sa rali ay “Gobyerrnong tapat para buhay ng lahat ay aangat.” Sa bawat salita niya ay mayroon siyang resibo na ipinagmamalaki. Resibo mula sa CoA sa tamang paggamit ng pondo ng bayan, at mga resibo sa pagseserbisyo nitong pandemya sa kanila ng kaliitan ng pondo ng kanyang tanggapan.
Si Leni Robredo na nga siguro ang sunod nating Pangulo.