Advertisers

Advertisers

Rash Flores todo-daring sa pelikulang Island of Desire

0 1,586

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO ang hunk actor na si Rash Flores na matinding pagpapa-sexy ang ginawa niya sa pelikulang Island of Desire.
Tampok sa pelikulang bagong aabangan sa Vivamax sina Christine Bermas, Sean de Guzman, Andrea del Rosario, Sheree, Jela Cuenca, Quinn Carrillo. Michaella Raz, at iba pa. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.
Ayon sa 23 year old Pinoy-Pakistani na talent ni Jojo Veloso, ito ang pinakamatinding movie na ginawa niya pagdating sa hubaran at pagiging daring.
Kuwento ni Rash, “Ang role ko sa Island of Desire, ako yung asawa ni Christine, tapos boyfriend niya si Sean, so magkaribal kami kay Christine ni Sean sa movie.
“May kabit ako rito, may naging kabit ako, si Michaella Raz. Iyong eksena namin, hubaran ito, actually yung kay Michaella, yung sex scene namin ay sobrang intense talaga. Mas intense pa ito kaysa sa ginawa ko sa movie naming Palitan.
“Hindi ito sa kama, talagang ano eh, sa opisina, sa table… mapangahas talaga siya. Ang sex scene ko rito, iyon na talaga ang ginawa kong pinaka-daring, kasi talagang sobrang ano siya, yung babae kasi rito ay walang arte sa katawan at palaban talaga.
“Hindi ko inaano yung naunang nakatambal ko, sina Jela at Ayanna… hindi ko sinasabing maarte sila, hahaha! Alam ko naman kasi na kailangan din nilang ano, may karapatan silang mag-ano… na bawal hawakan ito, bawal ang ganito,.. naintindihan ko naman iyon, bilang sa punto ng babae.
“So ang sinasabi ko lang, si Michaella, palaban talaga siya, puwede siyang hawakan dahil yun naman ang sabi sa akin, puwedeng hawakan ang boobs niya. Pero after ng eksena namin, humihingi ako ng sorry, ‘Sabi ko, okay ka lang? Sorry ha, pasensiya na.’ And sabi naman niya sa akin na okay lang daw.”
So hubot hubad ba sila sa mainit na eksenang iyon?
“Yes po, hubot hubad kaming dalawa sa eksena, although may proteksiyon naman siya… So, nakita ko yung pagiging professional niya talaga,” aniya pa.
Nabanggit din ni Rash na thankful siya dahil after maghintay sa tamang break at magandang timing, nang finally ay nabigyan na siya ng proyekto sa Viva ay tuloy-tuloy na ang pagdating sa kanya ng magagandang projects.
“Actually, matagal na rin ako kay Tito Jojo, pero kailan lang talaga ako nag-start talagang umarte. Sabay kami ni AJ Raval pumirma sa Viva, so, ang tagal ko rin naghintay bago dumating yung break ko po.
“So mga two years din po bago dumating yung break ko, tapos niyon ay sunod-sunod na rin po. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa magagandang project ko at sa magagaling na director na gumabay po sa akin.
“Like sina sina Direk Darryl Yap, Direk Brillante Mendoza, at Direk Joel Lamangan, kaya nagpapasalamat po ako sa kanila,” sambit pa ni Rash.