Sharon nagbabala sa paggamit ng kanyang kanta; Coleen at anak, sasama kay Billy sakaling sa France na tumira
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILA ‘di nagustuhan ni Sharon Cuneta ang paggamit at pagkanta ng pinasikat niyang awitin.
Sa isang rally ay tila nagustuhan ni Salvador Panelo na awitin ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.
Nakarating naman sa kaalaman ni Sharon at pinalagan nito ang pag-awit ni Panelo ng kanyang kanta.
Naawa naman ito sa kanyang awitin dahil tila nabastos daw sila sa pag-awit ni Panelo.
At nakakahiya nga raw sa composer na si Willy Cruz na siyang may likha ng iconic song na ‘Sana’y Wala Nang Wakas.”
Sa pagkanta nga ni Panelo nagpaalaala lang daw na ang awitin nito ay kinanta ng misis ni Vice Presidential aspirant Kiko Pangilinan.
Sa tweet ni Sharon ay sinabi nito na never at hindi puwedeng gamitin ang kanyang mga awitin nang walang pahintulot.
Sa Leni-Kiko lang daw puwede gamitin ang mga songs ni Megastar.
***
MAY bulung-bulungan na sa France na maninirahan si Billy Crawford.
Kaya naman natanong si Coleen Garcia, ang esmi ni Billy kung sasama ba ito sa mister.
Magpapaiwan ba ito at di sasama kay Billy? Ayon kay Coleen, for sure ay sasama sila ng kanilang anak na si Baby Amari.
May mga sitsit kasi na tila goodbye showbiz na muna si Billy at malakas din ang usapan ng mga Maritess na tila matsutsugi na ang show na Lol nito sa TV5.
True kaya ang pananatili na ni Billy for life sa France?
Obvious nanan na for sure ay sasama at isasama nito ang kanyang mag-ina kung matuloy na si Billy sa pagtira sa France.
Samantala, marami ang nahusayan kay Coleen sa kanyang first action film na pinuri ng kanyang mga nakasama sa nasabing project.
Well, well, well…’Yun na!